SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MATAGAL na naming alam na ibang klaseng magmahal at kaibigan si Kris Aquino. Sa totoo lang, kahit may sakit ito, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mga kaibigan at mga mahal niya.
Kaya hindi na kami nagtaka nang magpahayag ito ng suporta sa pinagdaraanan ngayon ni Miles Ocampo. Isa si Miles sa mga malalapit na artista kay Kris.
Ipinaramdam nga ni Kris ang concern at pagmamahal kay Miles nang aminin ng dalaga ang ukol sa sakit sa pamamagitan ng kanyang Instagram.
Ani Miles, ang kondisyon niya ay tinatawag na “Papillary Thyroid Carcinoma” kaya sumailalim siya sa surgery para tanggalin ang kanyang thyroid.
Dito’y nagpahayag ng concern si Kris sa pamamagitan ng pagkomento. Bagama’t maigsi, naroon ang pagmamahal niya. Ani Kris, kay Miles, “We love you Ate.”
Ate ang tawag ni Kris kay Miles dahil parang tunay na anak na ang turing niya sa dalaga. Kapatid naman ang turing ni Miles sa mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby.
Bago ito’y, nagbigay ng updates si Kris sa estado ng kanyang kalusugan.
Aniya, “This is an overdue GRATITUDE post. I know it’s because of your prayers that God helped lead me to an excellent team of doctors: Dr. Sudhir Gupta, his daughter Dr. Malika Gupta, Dr. Yaqoot Khan, and Dr. John Belperio. Except for Dr. Malika who has her own private clinic, Dr. Gupta is with UCI while Dr Khan & Dr Belperio are practicing in UCLA.
“In particular warmest thanks to Dr. Malika and Dr. John for their excellence and real compassion… I have many limitations when it comes to medicine & treatments because of my allergies and/or adverse reactions YET they both found treatments that given time can help me get my health back.
“Aamin ako, after my 1st consultation with Dr Khan & Dr Belperio, when 14 vials of blood were drawn- mahirap pag ‘nerd’ like me; too much researching plus memorized ko na ‘yung mga results na dapat kong ikabahala… pero alam ko rin na hindi dapat pangunahan ang mga doctor.
“My last numbers were alarming because maraming bumagsak na sana steady lang at ‘yung mga nanahimik (like my ANA titer) nagparamdam ulit…pinaalala sa ‘kin na ‘yung 4 diagnosed autoimmune ko, puwedeng maging 5 or 6, and my major organs like my heart & lungs can suffer permanent damage.
“Next week may bagong treatment na isasabay sa biological injectable that I’ve had 2 doses of… praying kayanin ko.”