Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes Awra Briguela

Gladys napagkamalang batang hamog si Awra

TAWANG-TAWA kami sa isang eksena nina Gladys Reyes at Awra Briguela sa Here Comes The Groom, isa sa walong official entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival, na handog ng Quantum Films at idinirehe ni Chris Martinez.

Halos lahat ng nanood sa isinagawang premiere night ng pelikulang pinagbibidahan din ni Enchong Dee ay lukang-luka. Ito iyong “confrontation scene” nina Gladys at Awra na nag-dialogue ang aktres ng, “Bakit may batang hamog?” sabay turo kay Awra.

Talaga namang riot ang eksenang iyon  sa punchline ng magaling na kontrabida at sa naging reaksiyon ni Awra.

Natanong si Gladys sa isinagawang mediacon matapos ang premiere night sa eksenang iyon kung ad-lib ba iyon at ang naging sagot ng aktres, “Hindi, ah! Sinusunod ko lang ang script! Nasa script yun!”

“Walang personalan yun, ah, ha, Awra?! Ha-hahahahaha!” depensa ng aktres.

At nang si Awra naman ang tinanong kung nasaktan ba siya sa sinabi ni Gladys, “Mukha ba akong batang hamog ngayon?!” 

Na sinagot agad ni Gladys ng, “Of course not!”

Charot! Siyempre po, akting-akting lang. At saka ang saya po talaga namin sa set at ang dami ko pong ipo-post kung gaano kami kasaya sa set ni Ms. Gladys!” sagot pa ni Awra.

Aliw talaga ang hatid ng Here Comes The Groom at lahat ng kasama rito ay nakatatawa tulad nina Kaladkaren Davila, Miles Ocampo, Keempee de Leon.

Ka-join din sina Maris Racal, Eugene Domingo, Tony Labrusca, Xilhouete, Nico Antonio, Iyah Mina, Fino Herrera, at Kuya Kim Atienza.

Sulit ang ibabayad ninyo sa mga sinehang panonooran ninyo simula Abril 8 dahil tiyak may ngiti ang inyong mga labi paglabas. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …