Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tiffany Grey Robb Guinto Jiad Arroyo Quinn Carrillo Paupahan Vivamax

Paupahan, hindi dapat palagpasin sa Vivamax simula April 8 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang pelikulang Paupahan na mapapanood na sa Vivamax sa April 8, 2023. Makikita rito ang mapanlinlang na panlabas na anyo at ang mababangong salita.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ng 2022 MMFF Best Supporting Actress nominee Tiffany Grey bilang Analyn kasama rin sina Robb Guinto bilang Katherine, at Jiad Arroyo bilang Nico.

Si Analyn ang landlady ng apartment ng kanyang lola na may sakit na dementia. Kitang-kita ang kanyang pagkasimple at mahiyain kaya naman madali siyang na-manipula ni Nico, isang commercial model na umuupa sa apartment.

Napaniwala ni Nico na espesyal si Analyn sa kanya kahit na iba’t-ibang babae ang inuuwi niya. Kung madali para kay Nico na balewalain si Analyn, hirap naman siyang isantabi ang pakiramdam na parang may matang laging nakatutok sa kanya.

Samantala, nabisto ni Analyn na ikakasal na pala si Nico nang may isang babaeng lumitaw at sinabing siya ang fiancé ng binata. Sa katunayan, si Katherine ay kagagaling lang sa abroad kaya naging LDR sila ni Nico. 

Ngayong alam na niya ang totoo, may madilim na balak si Analyn. Sa likod ng mga dingding, ibang-iba si Analyn sa inosenteng babae na nakilala ni Nico. At mas matindi pa ang kanyang kayang gawin.

Nabanggit nina Tiffany at Robb kung bakit dapat panoorin ang Paupahan.

Wika ni Tiffany, “Dapat nilang panuorin eto kasi hindi lang ito sexy, pero grabe yung twist ng movie na ito, May thrill factor talaga suya and may mapupulot silang aral dito.”

Pahayag naman ni Robb, “May napakagandang elemento at sorpresa ang pelikula na hindi ko na muna sasabihin para po abangan ninyo. A balance of sexy and thrilling scenes ang makikita po ninyo sa movie. Mamamawis ang inyong mga mata sa drama na inyong makikita, kasabay ng pagpapawis ng katawan ng manonood sa init ng mga eksena rito. Kaya huwag na huwag ninyong papalagpasin ang aming pelikula.”

Ang Paupahan ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo, at direksiyon ni Louie Ignacio. Ito ay hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, line producer dito si Dennis Evangelista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …