Sunday , December 22 2024

6 akusado sa PDAF scam pumuga na — BI

KINOMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng Filipinas ang anim sa mga nasampahan ng kaso kaugnay sa kontrobersiyal na pork barrel scam bago pa man naisailalim sa lookout bulletin ng ahensya.

Ayon kay BI spokesperson Ma. Angelica Pedro, kabilang sa nakaalis ng bansa batay sa kanilang rekord ay sina Atty. Jessica “Gigi” Reyes, chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile, noong Agosto 2013; Ruby Chan Tuason na umalis noong Agosto 2013; Atty. Richard Cambe, staff din ni Enrile, na nakalabas ng bansa noong Mayo 2012.

Habang si Dennis Cunanan, director general ng Technology Resource Center, ay nakalabas ng bansa noong Setyembre 2013; Mylene Encarnacion, presidente ng Countrywide Agri & Rural Economic and Development Foundation Inc., na ang departure ay noong Agosto 2008, at dating Agusan Lone District Rep. Rodolfo “Ompong” Plaza na umalis noong Setyembre 2013.

Ayon kay Pedro, ipinaalam na nila ito kay Justice Secretary Leila De Lima para sa kaukulang hakbang kung kinakailangan.

Nabatid na kamakalawa, nagpalabas ng lookout bulletin ang BI laban sa 35 indibidwal na dawit sa PDAF scam.

(ROCELLE TANGI/LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *