Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador Rambo Nuñez Marvin Agustin

Beach wedding nina Maja at Rambo pinaghahandaan na

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA taong ito na nga lalagay sa tahimik ang aktres na si Maja Salvador at ang kanyang minamahal na si Rambo Nuñez.

Magkatuwang ang dalawa sa Crown Artist Management, Inc. (CAM) na humahawak na sa mga karera nina Meryll Soriano, Miles Ocampo at marami pa.

Hindi pa kompleto ang detalye sa magiging beach wedding nina Maja at Rambo. Na ang proposal ay naganap sa tahanan ng kapatid ni Rambo na si Yahnee at kabiyak nito na si Chickoy sa El Nido, in Palawan.

Iniisip pa nila kung mauuna ang kasal sa ibayong dagat o rito na sa bansa.

Halata namang handang-handa na sina Maja at Rambo sa pagtahak sa panibagong yugto ng buhay nila.

It always a breeze na makita si Maja. Lalo pa at kasama nito ang Mommy Thelma niya sa launching ni Marvin Agustin as their new talent sa Cochi Bistro.

Siyempre nasa career path pa rin naman daw si Maja sa pagganap sa TV man o sa pelikula.

At ‘di naman ito hahadlangan ng kanyang hubby-to-be.

Sa Palawan nga, nagbukas na rin sila ng negosyo ni Rambo, ang Almacen.

Sa kasal nila, mukhang aapaw ang ‘sangkaterbang cochinillo, as promised by Marvin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …