Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Jessy Mendiola Baby Isabella Rose

Luis lokong-loko sa anak na si Isabella Rose, nahihirapang iwan sa bahay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKA-HANDS-ON daddy pala nitong si Luis Manzano sa kanilang anak ni Jessy Mendiola na si Isabella Rose kaya naman napakahirap sa kanya na umalis ng bahay para magtrabaho.

Pareho sila ni Jessy na nag-aalaga at ibinibigay ang mga kailangan ng kanilang panganay. Enjoy na enjoy kasi si Luis na magpalit ng diaper, magbigay ng gatas, tumulong sa pagpapaligo, at maghele sa kanilang anak kaya naman kung minsan ay ayaw na niyang umalis ng kanilang bahay.

“’Eto totoo ‘to ha, napi-feel ko na ‘to,” panimulani Luis nang makapanayam sa star-studded first anniversary celebration ng Bingo Plus, “’yung sinasabi ng ibang mga magulang na uwing-uwi na sila. Tapos si Jessy, ang ginagawa ni Jessy, nagpapadala ng mga video ni Peanut. It’s so hard to leave the house.”

Nang tanunginang TV host kung ano ang gusto at ayaw niyang mamana sa kanya ng anak na si Baby Peanut, sinabi nitong, “’Yung gusto, I think, that’s for other people to answer. Ayoko namang sabihin ‘yung magagandang katangian ko,” nakangiting sagot ni Luis.

Pero ‘yung kakulitan daw niya siguro ang parang ayaw niyang gayahin ng anak niya.

Pero humirit pa si Luis at sinabing, “Kanina bago ako umalis ng bahay nakita ko siya…kasi ngayon ang hilig niya nagla-laptop siya. Noong isang araw pagbaba ko nagsu-sudoku.

“Buti sana kung mali-mali ang sagot, tama lahat. Ganoon katalino ang anak ko,” pagbibiro ni Luis sabay tawa ukol sa dalawang buwan na ngayong si Baby Peanut. 

Isa si Luis sa pinaka-unang endorser ng Bingo Plus, ang first live streaming bingo sa Pilipinas. Inilunsad ang nasabing brand noong January, 2022 at at isa si Luis sa pinakauna sa lumalaking pamilya ng Bingo Plus.

“It’s nice when you have something like this and you grow together. That’s the best part,” sambit ni Luis.

Ginanap sa Grand Hyatt Hotel Manila ang first anniversary ng Bingo Plus noong Sabado at dinaluhan ito ng mga naglalakihang personalidad at celebrities. Bukod sa Ambassador na si Luis, dumalo rin at nagbigay kasiyahan sina Regine Velasquez,  Vice Ganda, SB 19, Billy Crawford and Coleen Garcia, Bella Padilla, Sam Concepcion, Bea Binene , Alamat, Nikko Natividad – Wilbert Ross, Mccoy De Leon, Daryl Ong,  Lea Jane, Bianca Santos, Carlyn Ocampo,  This Band, Kim Molina, Katrina Velarde at marami pang iba.

Sa event na iyon ay namigay ng P50-million ang Bingo Plus sa Mega Jackpot at P1- million worth of raffle giveaways sa lahat ng kanilang supporters. Nag-donate rin ang Bingo Plus ng mahigit P10-million sa charity bilang pagbabalik pasasalamat sa lahat ng kanilang mga loyal supporter simula nang ilunsad nila ang Bingo Plus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …