Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kontraktor na mas malupit pa kay Napoles

ALL EYES on Janet Lim-Napoles matapos mabunyag ang raket niya sa pork barrel ng mga mambabatas partikular sa Senador.

Pero may mas matindi pa sa P10-B pork barrel fund scam na ito ni Napoles at mga mambabatas.

Ito ‘yung minsan ko nang tinalakay noon na isang batang kontraktor mula Bicolandia ang humahakot din sa pork -barrel ng mga mambabatas at ilang ahensya ng gobyerno.

Ang batang kontraktor na limang letra ang -pangalan at dalawang letra ang apelyido ay may kaanak din na miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso.

Si batang kontraktor ay daluyan din ng multi-million pork barrel ng mga mambabatas na akusado rin sa P10-B pork scam.

Ang mga project kuno ng batang kontraktor ay mula sa DOTC at DPWH lalo na noong Arroyo administration.

Ayon sa ating source, karamihan sa proyekto ng batang kontraktor ay “ghost” kundi man ay substandard. Umaabot din daw sa 50% ang ibinibigay niyang kickback sa mga mambabatas at 10% sa implementing agency kapareho ng kay Napoles.

Pero mas malalaki raw ang nakokorner na proyekto kuno ng batang kontraktor kompara kay Napoles na pa-agri-agriculture lang. Kasi may construction company -talaga ang batang ito kaya puwede siya sa kalsada o highways, tulay, building, etc… Bilyon talaga ang transaksyon niya lalo na sa DOTC at DPWH.

Kaya hinihikayat natin dito ang Commission on Audit  na kalkalin ang mga transaksyon at kontrata ng kontraktor sa mga opisyales ng gobyerno lalo na sa mga mambabatas.

Tumingin lang ang CoA sa araw sa kanluran at matutumbok na nila ang kompanya ni kontraktor…

Just ask “Manong” at “Sexy” Senador!

Oi!!! May nakatakdang pasabog raw sina Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr., sa kanilang privilege speech, na ilang kasamahan nilang senador at ilang mataas na opisyal na dikit kay P-Noy rin daw ang dawit sa pork barrel scam.

Wala pa mandin, nahuhulaan ko na kung sino-sinong senador ang gustong tumbukin dito nina Jinggoy at -Revilla.

Malakas ang kutob ko na ito ‘yung mga senador na may transaksyon sa batang kontraktor from Bicolandia. Batuhan ng putik na ito…

Abangan natin, bayan! Dahil pera natin ang pinag-uusapan dito!!!

P300 registration fee

sa kindergarten sa Cavite

– Gud day. Tanong ko lang po kung naniningil nga ba ng P300 ang mga guro daw ng DSWD na registration fee para sa mga batang nag-aaral sa kindergarten. Kasi dito sa amin sa Trece Martirez, Cavite me naniningil pwera pa yung 1 hundred monthly. God bless po. – 09179247…

Sa pagkakaalam ko ay walang bayad ang pagpaparehistro sa kindergarten. At para saan naman daw ‘yung P100 monthly? Niraraket yata kayo d’yan ng DSWD teachers?

Kinurakot sa pork barrel isoli n’yo!

– Mr. Venancio, panawagan ko lang po sa mga -magagaling na mambabatas na sangkot sa paglustay ng kanilang pork sa ‘ghost pojects’ na isauli nyo sa kaban ng bayan ang kinurakot nyo! Karmahin sana kayo! – 092322751…

Kalokohang Chief of Staff

ng senador ang nagbulsa

sa 50% kickback!

– Ka Joey, at sinong tanga na maniniwala na ang mga Cheap of Staff ng mga MAMBUBUTAS ang nagbulsa ng daan daang milyun piso ng pork barrel? Sobra-sobra na ang pangwawalanghiya nitong mga MAMBUBUTAS sa -Filipino. Dapat bitayin silang lahat upang hindi pamarisan ang mga baboy-dalawa paa sa kahayopan nila!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …