GOOD feng shui ba ang red at pink colors sa bedroom?
Kung talagang paborito n’yo ang nasabing mga kulay, excellent feng shui na paligiran ang sarili ng mga kulay na ito. Kung gusto ang espesipikong kulay, ang ibig sabihin, ang inyong katawan ay tumatanggap ng energy nourishment sa mga kulay na ito, kaya sundin ang inyong kagustuhan.
Sa pangkalahatan, ang pagpili ng tamang kulay sa feng shui ay maaaring medyo matagal at kailangan ng calculation. Magsimula sa mga kulay na inyong gusto, kulay na babagay sa inyong planong feng shui décor scheme.
Feng shui energy wise, mayroong specific guidelines sa pagpili ng mga kulay, lalo na sa kulay ng bedroom, dahil ang bedroom ay napakahalaga sa feng shui.
Una, ang mga kulay ay kumakatawan sa specific feng shui elements, at dahil ito, ay magdudulot ng malakas na enerhiya sa specific areas, gayundin ay maaaring mapahina ang enerhiya sa iba pang erya ng inyong bahay.
Ipamilyar ang sarili sa Bagua, o sa feng shui energy map ng inyong bahay, upang maunawaan ang basics ng prosesong ito.
Pangalawa, ang pagpili ng kulay ay nakadepende rin sa feng shui element ng indibidwal. Energy-wise, ang ilang kulay ay better feng shui choice para sa iyo kaysa iba.
Pangatlo, dahil ang bedrooms ay napakahalaga sa feng shui, ang pagpili ng tamang color scheme para sa bedroom ay napakahalaga rin. Maraming in-depth articles and tips para sa good feng shui sa bedroom, basahin ang mga ito para sa impormasyong maaaring makatulong sa inyo.
Lady Choi