Friday , November 15 2024
Brendan Fraser The Whale

Brendan Fraser maraming pinaiyak

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SINASALUDUHAN namin ang Hollywood actor na si Brendan Fraser sa husay nito sa The Whale na ipinrodyus ng A24 at ipinamamahagi sa sinehan nationwide ng TBA Studios na mapapanood na sa February 22.

Ibang-ibang Brendan ang makikita sa The Whale na idinirehe ni Darren Aronofsky na ibinase sa 2012 play ni Samuel D. Hunter, na siya ring nagsulat ng adapted screenplay.

Si Brendan si Charlie sa pelikula, isang English teacher na sobrang obese at unti-unting lumala ang health condition dahil sa walang patumanggang paglafang.

Tanging wish niya sa buhay ang muling makasama ang anak na si Ellie (Sadie Sink) na matagal na niyang hindi nakikita at nakakasama.

Kasama rin ang Nurse na si Liz (Hong Chau) na naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Si Liz ay isang mysterious missionary, na ginagampanan ni Ty Simpkins, at ang kangyang ex-wife na si Mary, si Samantha Morton.

Sa totoo lang maraming manonood ang pinaiyak si Brendan nang magkaroon ito ng premiere night sa Cinema 76 ng TBA Studios sa Scout Borromeo, Quezon City. Nagkakatawanan na nga lang paglabas dahil sa mga hikbing naririnig sa loob ng sinehan. Grabe talaga kasi ang mga eksena na talagang tagos sa puso.

Isa sa tinutukoy naming eksena ay iyong hirap na hirap na siya sa kanyang buhay dahil sa sobrang katabaan at sa mga pinagdaraanang pagsubok sa personal niyang buhay.

Sa totoo lang naiba talaga ang hitsura ni Brendan sa pelikula dahil iyon sa galing gumawa ng makeup at prosthetics artists kaya nakadagdag iyon sa makatotohanang itsura ng kanyang pagiging obese.

Isa rin sa pinuri sa The Whale ay ang magandang cinematography na gawa ng Filipino-American na si Matthew Libatique, 2-time Academy Award nominee at longtime collaborator ni Direk Darren Aronofsky.

Nagkaroon ng world premiere ang The Whale sa 79th Venice Film Festival at umani ng papuri si Brendan para sa natatangi niyang pagganap bilang si Charlie.

Nominado rin si Brendan sa 95th Academy Awards sa kategoryang Best Performance by an Actor in a Leading Role sa 80th Golden Globe Awards para sa Best Performance by an Actor in a Motion Picture (Drama).

Mapapanood ang The Whale sa mga sinehan nationwide simula sa February 22 sa pamamagitan ng TBA Studios na siyang 

Distributor sa Pilipinas ng mga award-winning international movies na Triangle of Sadness ni Dolly de LeonNocebo na tampok si Chai Fonacier, at Plan 75.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …