Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco Tracy Maureen Perez bluwater

David single pa, naghihintay sa babaeng nakatadhana sa kanya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY pagkakataon pa ang mga single lady kay David Licauco dahil very much single at ready to mingle pa.

Sa paglulunsad kay David kasama si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez bilang latest ambassadors ng Blue Water Day Spa kamakailan na ginanap sa Marco Polo, Ortigas sinabi ng binansagang Pambansang Ginoo na single siya ngayon at naka-focus muna sa kanyang showbiz career. Naghihintay lang siya sa pagdating ng babaeng nakatadhana para sa kanya.

At ang hinahanap niya sa isang babae ay ‘ yung smart, pretty, confident, and knows what she wants. Kaya kung ikaw ‘yan, aba magpa-charming na kay David. O pumunta na sa alinmang sangay ng Blue Water Spa sa Banawe, Quezon City; Eton Square sa Ortigas Greenhills, San Juan, at Estancia Mall sa Pasig City at very soon sa The Infinity Tower, BGC dahil baka makasabay nyo ang aktor. Wow! Kakilig!!! Ang suwerte naman talaga kapag nakasabay mo si Fidel habang nag-eenjoy sa kanyang favorite services sa Blue Water Spa.

Ito pa ang isang inamin ni David na limang taon mula ngayon, nakikita niya ang sarili na may asawa’t mga anak na.

Gusto kasi talaga ng leading man ni Barbie Forteza sa Maria Clara at Ibarra namagkaroon ng sariling pamilya na medyo bata-bata pa siya para ma-enjoy raw niya ito nang mahabang panahon.

I see myself probably getting married in five years. That’s why I’m working hard now for the future,” ani David.

Sa kabilang banda, sunod-sunod ang dating ng project kay David simula nang magbida sa Maria Clara at Ibarra kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat niya sa lahat ng sumusuporta sa kanilang serye na gumawa ng kasaysayan sa mundo ng telebisyon.

Nagulat ako sa success ng ‘Maria Clara at Ibarra.’ At the start I was just a supporting character. And eventually, naging main character na siya,” aniya.

At dahil sa tagumpay ng kanilang teleserye sa GMA at sa mainit na pagsuporta ng manonood sa tambalan nila ni Barbie (FiLay), may niluluto nang follow-up project ang Kapuso Network para sa kanila, isang bagong teleserye at bonggang pelikula.

Bukod sa kanyang showbiz career, busy din si David sa kanyang mga negosyo.

Ukol naman sa pagiging ambassador ng BlueWater Day Spa, sinabi niyang “Relaxation is such a precious time for me. Being very busy with the taping schedules as well as managing my businesses, having my favorite Balinese Massage at the spa at the end of a long tiring week is something that I always look forward to,” ani David.

Ang iba pang celebrity ambassador ng nasabing spa center ay sina Miss World Philippines 2022 Gwendolyne Fourniol, Miss Supranational 2022 Alison Black, Miss Eco Philippines 2022 Ashley Subijano MontenegroReina Hispanoamericana Filipinas 2022 Ingrid Santamaria, at Miss Eco Teen International 2022 1st runner-up Beatriz Mcleland.

Anila, ilan sa favorite services nila ay ang Four Hand Massage, Therapeutic Colonic Massage, at Pregnancy Massage.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …