Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mental Health

Mental health offices sa SUCs mungkahi ng mambabatas

BUNSOD ng pagtaas ng kaso ng mental health issues sa mga mag-aaral na Filipino, itinutulak ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagkakaroon ng mental health offices (MHOs) sa mga kampus ng lahat ng state universities and colleges (SUC).

“Maraming pag-aaral ang lumabas ukol sa lumalalang problema sa estado ng mental health ng ating mga kabataan sa ngayon. Hindi natin ito dapat ipagwalang bahala. Dapat aksiyonan ito at solusyonan. Mahalagang pagtuunan ito ng pansin nang hindi na madagdagan pa ang mga mag-aaral na depressed,” sabi ni Estrada.

Tinukoy ng senador ang ulat ng World Health Organization (WHO) sa adolescent mental health na napag-alamang, ang suicide ay pang-apat na pangunahing sanhi ng kamatayan sa mga kabataang may edad 15 hanggang 29 anyos.

Sinabi sa ulat, may epekto kalaunan ang hindi agarang pagtugon sa problema sa mental health ng mga kabataan dahil nalilimitahan ang pagkakaroon nila ng maayos na pamumuhay pagtuntong nila sa hustong gulang.

“Upang matiyak ang pagkakaroon ng access sa pangangalaga sa kalusugan ng isip at para pangalagaan ang kapakanan ng mga apektadong kabataan, kailangan magtatag ng mga MHO sa lahat ng ating SUC. Sakop nito ang mga guro at mga kawani sa mga kampus ng SUCs sa buong bansa,” ani Estrada sa kanyang Senate Bill 1508.

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng SUCs ay dapat magkaroon ng mga MHO at hotline sa lahat ng kanilang kampus na pangangasiwaan ng mga guidance counselor na may kasanayan sa pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga mag-aaral, guro, at kawani nito. Dapat din ibigay ang kaukulang atensiyon sa mga may problema sa mental health lalo sa mga taong nasa panganib na magpakamatay.

Maglalagak ng mga eksperto sa mental health para pangasiwaan ang mga MHO at ang paghirang sa kanila para mabigyan ng plantilla position, contractual, o part-time na estado ng trabaho sa mga kampus ng SUC ay isasailalim sa pagsusuri at pag-aproba ng Department of Budget and Management (DBM).

Ang mga kawani ng MHO ay sasailalim sa continuing training na may pagsasaalang-alang sa mga pinakabagong impormasyon, pag-aaral, at kaalaman sa mental health at mental health services.

Iaatas na palakasin ang kampanya sa kamalayan ukol sa mental health lalo sa aspektong suicide prevention, stress handling, nutrisyon, paggabay, at pagpapayo.

Ito ay upang matiyak, ani Estrada, na ang buong komunidad ng SUCs, lalo ang mga mag-aaral ay mulat sa in-campus mental health services.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …