Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jasmine So

Jasmine So, isang stripper sa pelikulang Suki 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

DREAM ni Jasmine So na makagawa ng action film sa hinaharap. Sa ngayon ay sumasabak muna siya sa mga sexy films ng Vivamax.

Ang mga pelikulang aabangan sa kanya na kargado sa pampainit sa Vivamax ay ang Boso Dos, direkted by Jhon Red, Erotica Cine-Parausan ni Direk Law Fajardo, at Suki, directed by Mariano Langitan Jr.

Pahayag ni Jasmine, “Dream ko pong makagawa ng action film, kasi mahilig po ako sa firing at may pagka boyish ako dahil sa business ni papa noon, ako po ang ipinagkatiwalaan niya sa bike shop namin. So, gumagawa po ako ng bike, kaya ko pong mag-assemble.

“Para sa akin malakas dating ng babae na walang arte sa katawan at kayang makipagsabayan sa lalaki.”

Esplika pa ng sexy actress, :Paborito kong action star si Angelina Jolie, kasi may side siya na very feminine, pero boyish siya pagdating sa action scenes.”

Ano ang story ng Suki at ano ang role niya rito?  “Ang Suki ay tungkol sa babaeng prostitute na na-in-love sa katrabaho niya sa club.

“Ang role ko po dun isa po ako dun sa mga stripper sa club. Isa po itong sexy-drama movie na sumasalamin sa buhay ng isang kalapating mababa amg lipad.

“Dream ko po ay action film kasi mahilig po ako sa firing at may pagka boyish ako dahil sa business ni papa noon, na ako po ang ipinagkatiwalaan niya sa bike shop namin. So, gumagawa po ako ng bike kaya, ko pong mag-assemble.

“Para sa akin malakas ang dating ng babae na walang arte sa katawan at kayang makipagsabayan sa lalaki. Paborito kong action star si Angelina Jolie, kasi may side siya na very feminine, pero boyish siya pagdating sa action scenes.”

Nabanggit din ng alaga ni Jojo Veloso ang pinagkakaabalahan niya lately.

Aniya, “Now po, I’m preparing for my own Youtube channel na I’m sure aabangan ng mga kalalakihan dahil medyo sexy ang content ng mga videos ko. Ang bagong film ko po na nagawa is Suki with Azi Acosta sa lead, na lalabas na in a few months. So, abangan po sana nila ito dahil nag-strip po ako rito.

“So, ang role ko po rito ay isa po ako roon sa mga stripper sa club. Isa po itong sexy-drama movie na sumasalamin sa buhay ng isang kalapating mababa amg lipad,” sambit pa ni Jasmine

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …