Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

13-anyos totoy patay sa hit and run

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang 13-anyos na batang lalaking kinilalang si Joel Realista, matapos masagasaan ng Isuzu pick-up sa tapat ng Barangay 458, Zone 45, Earnshaw Street, Sampaloc, Maynila.

Ayon sa barangay tanod na si Roland de Guzman, isang saksi ang nakakita sa naturang sasakyan nang masagasaan ang biktima habang naglalakad sa nasabing kalye kasama ng kanyang kuya.

Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alamang galing sa isang computer shop ang magkapatid at pauwi na ng kanilang bahay nang maganap ang aksidente.

Naplakahan naman ang sasakyan, WMM 990, ayon sa tauhan ng barangay.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Manila traffic police para sa ikahuhuli ng driver ng nasabing sasakyan.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …