Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Romeo Jalosjos Jr

Supporter ni Jalosjos lalong dumarami

SA kabila ng kasalukuyang unos na nararanasan ni Zamboanga del Norte 1st District Rep. Romeo Jalosjos Jr., kaakibat pa rin niya ang kasiyahan dahil sa lalong lumalakas na suporta na kanyang nakukuha mula sa kanyang mga constituent sa kanilang lugar.

Si Jalosjos ay tinanggal kamakailan ng Secretary General sa talaan ng mga miyembro ng House of Representatives.  Ang huli umano’y patuloy na nakaupo gayong tapos na ang termino nito noong 18th Congress, ayon kay Rep. Ace Barbers ng Surigao del Norte. Kapuwa kabilang sa Nacionalista Party sina Jalosjos at Barbers.

Unang dinala ni Barbers sa plenaryo ang bagay na ito nang kuwestiyunin niya ang legalidad, kapangyarihan at karapatan ng secretary general sa pagtanggal sa pangalan ng kongresista sa talaan ng mga miyembro ng mga kinatawan ng bawa’t distrito. Ayon pa kay Barbers, ito ay labag sa itinakda ng Saligang-Batas.

Unang nagtipun-tipon ang mga supporter ni Jalosjos sa Sunset Blvd. sa Dapitan City bago sabay-sabay na nagmartsa patungo sa city hall.

Maging ang mga residente na binaha ang mga tahanan ay kabilang sa sumuporta sa kinatawan ng kanilang distrito.

“Tinuod, nabahaan mi gahapon, pero nianhi gihapon mi ron kay lupig pay nabahaan kung wala na miy makuhang hinabang kung wala na si Congressman (Totoong binaha kami pero nagtungo pa rin kami para sumuporta dahil malala pa sa baha ang aming maranasan kung wala na kaming makuhang suporta mula sa aming kongresista),” ayon sa isang tricycle driver mula sa Barangay Sulangon, Dapitan City.

Ipinapalagay na umabot sa 20,000 ang dumalo sa martsa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …