Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heaven Peralejo Ian Veneracion Lino Cayetano

Nanahimik Ang Gabi pinaplano na ang sequel 

DAHIL sa lakas ng dating, pinag-uusapan, at ganda ng kinalabasan ng Nanahimik Ang Gabi, hindi naitago ni direk Lino Cayetano na ibahagi ang mga plano nila para sa Rein Entertainment para sa taong 2023.

Pinaplano na ang sequel o prequel ng Nanahimik Ang Gabi.

Opo, tama po ang basa ninyo. Hindi pa man naipalalabas sa December 25 bilang isa sa entry sa darating na Metro Manila Film Festival,heto’t pinaplano na pala ang kasunod ng pelikulang pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado na idinirehe ni Shugo Praico.

Ayon sa producer na direk Lino ng Rein Entertaiment natuwa sila sa positive outcome ng Nanahimik ang Babikaya naman ngayon pa lang ay pinaplano na nila ang sequel o prequel ng kanilang official entry sa MMFF 2022.

“We’ll wait for the box-office (results), but we’re already talking about a follow-up with Direk Shugo. The movie’s too good and it deserves a part 2 or part 3,” nakangiting pagbabalita ni Direk Lino nang makausap namin ito sa isang pananghalian.

“It’s been a while. I’m sure everyone is excited to watch movies in theaters again,” sambit pa ng direktor sabay nakiusap na sana’y panoorin ng lahat ng mga Pinoy ang walong entry sa MMFF 2022.

“Kaya ngayong Pasko, sama-sama tayong matawa, maiyak, matakot. at mabigyang inspirasyon sa iba’t ibang pelikula na dala ng MMFF. Atin pong ibalik ang tradisyon na pagtangkilik sa pelikulang Pilipino sa mga sinehan,” giit pa ni Direk Lino. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …