Sunday , November 17 2024
Boy Abunda, GMA7

Kuya Boy sa paglipat sa GMA — Sana ‘di ako masyadong bugbugin… na wala akong utang na loob at iba pang masasakit na salita 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DUMAMI pa pala ang kaibigan ng King of Talk na si Boy Abundanang ulanin siya ng batikos at panghaharas ng mga taong hindi sumasang-ayon sa mga pananaw niya lalo na noong nagdaang presidential election.

Hindi naman maaalis ni Kuya Boy na may mga kaibigang may ibang pananaw pero hindi nawala ang pagiging kaibigan ng mga iyon.

Naikuwento niya ito sa isinagawang presscon sa kanya para sa bago at pagbabalik-Kapuso.

 “Palagay ko, mas marami akong kaibigan. Iilan-ilan lamang at nagdadasal ako na hindi masyadong malalim ‘yun, nagdadasal ako na sana ‘yung pagkakaiba-iba natin ng pananaw, our different opinions  sana, will not define our relationships,” ani Kuya Boy nang matanong ukol sa kung nanatili ba ang lahat ng mga kaibigan niya o may mga bumitiw dahil sa pagkakaiba nila ng pananaw o paniniwala sa politika.

“Naalala ko lamang ‘yung isang symposium that I hosted during COVID, pre-election ito. It was an Asian forum, Zoom lang that I moderated, and we were talking about polarization, ‘yung pagkakahati-hati, pagkakahiwa-hiwalay.

“Na sa Singapore raw, ang polarization ay benign, samantalang sa Pilipinas ay predatory, na kapag hindi mo halimbawa naintindihan ang choice mo, bobo ka. Or bobo ako.

“Palagay ko, bahagi ito ng paglalakbay natin towards let’s say political discourse. But mature political discourse, or mature behavior as a country, as a people.

“Bahagi ‘yun, hindi naman kasi ako pikon, eh. Ito, napag-uusapan natin. Natawag na ako ng lahat, mula bobo to pangit to laos, hindi marunong mag-interbyu.

“Lahat iyan, lahat iyan. I’m not saying that I wasn’t hurt. Masakit! Masakit ‘yun. Pero you get used to pain at a certain point in your life. You get used to pain and you learn how to pray.

“And you learn how to use that pain. Ako, desisyon ‘yun, eh. It was a deliberate decision that…that pain I was going to use for me to become a better person.

“Lalo na sa kalagitnaan ng COVID when I was so unsure and all of us were unsure and uncertain as to what was going to happen. Earlier today also somebody asked me what’s the most important lesson I learned during COVID.

“Sabi ko, I take it from Bill Gates, hindi, hindi ko naman original ‘yun. He did a speech at hindi naman ganoon ang pagkasabi niya.

“Sabi niya, ‘All of us had to contend with our platitude.’ Simply said and I agree with him, the most important lesson I learned during COVID was that…that realization na lahat tayo, mamamatay.

“That we are on borrowed time. So my deliberate decision is that knowing, cognizant that I am not going to last forever, I want to be kinder.

“I want to be more fair. I want to be more compassionate. I know it’s not going to be a perfect journey to become a better person than who you are today but I will try. I will 6try to be better,” pahayag ni Kuya Boy.

At kung may wish si Kuya Boy,  “I just really say ‘thank you.’ Ang wish ko, ahh palagay ko wish nating lahat, mabuhay lang tayo nang maayos, malusog, walang sakit. Pumapangalawa na lahat ‘yung sana maging matagumpay ang aking palabas sa GMA 7.

“Sana, hindi ako masyadong bugbugin ng mga hindi nakakikilala sa akin, na wala akong utang na loob at marami pang iba, at kung ano-ano pang masasakit na mga salita.

“How do I handle that? Hindi naman ako nagbabasa, eh. Hindi talaga ako nagbabasa. I have a very strong support system that gives me fair, honest feedback,” giit pa ng King of Talk.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …