Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gary Valenciano

Cryptic message ni Gary V ikinabahala ng mga kaibigan at netizens

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA kami sa nabahala sa cryptic post ng OPM legend na si Gary Valenciano sa social media.

Nag-tweet kasi ito noong December 14, sa kanyang Twitter account, na tila may kaugnayan sa kondisyon ng kanyang kalusugan.

Ani Gary, humihiling siya ng “milagro” sa Panginoon kasabay ang pggabay sa kanya sa mga susunod na araw para malampasan ang kanyang pinagdaraanan.

Anang tinaguriang Mr Pure Energy, sana’y patuloy pa rin niyang madama ang tunay na diwa ng Kapaskuhan kahit na may hinaharap siyang mga pagsubok.

Maraming mga kaibigan at netizens ang nabahala at nagpahatid ng pag-aalala kay Gary.

Tweet kasi ni Gary, “Lord…I’m going to need your miraculous touch to get me through tonight and the next few nights to come.

“Help me not lose the sense and spirit of Christmas in the middle of all these challenges. Kindly help in keeping me healthy at all times Lord.

“In Your name Jesus I pray, Amen,” aniya pa.

Bata pa lang ay nakikipaglaban na si Gary sa diabetes, “I was diagnosed with it. I was fourteen years old. My sugar level hit 700-something plus. At least during my time, from what I know, the normal level goes from 80 to 120.

“I don’t know if that has changed because a lot has changed. But when I’m within that level, I’m fine,” aniya pa.

Taong 2018 nang sumailalim naman siya sa open heart surgery at natuklasan din ng mga doktor na mayroon siyang cancer sa kidney. Kaya inoperahan uli siya at makalipas ang ilang buwan ay idineklara nang cancer-free.

Anuman ang pinagdaraanan ngayon ni Gary, isang mahigpit na yakap ang aming ipinararating at sana’y malampasan niya ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …