Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sta Maria Bulacan

Mag-ama tinodas
3 LASING NA SUSPEK TIKLO, 1 PA TINUTUGIS

SUNOD-SUNOD na nadakip ang tatlong lasing na magkakaibigan na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa isang lalaki at kanyang anak, habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasama sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria MPS kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, matagumpay na naaresto ang tatlong suspek sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Sta. Maria MPS dakong 8:30 pm kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Quinao, 31 anyos; Ronnie Begornia, 38 anyos; at Rizaldy Ruiz, 33 anyos, ngayon ay nakapiit sa Sta. Maria MPS Jail, habang pinaghahanap ang isa pang suspek na kinilalang si Aguiela Quinao.

Lumitaw sa imbestigasyon, ang dalawang biktima na sina Ramon Inot at kanyang anak na si Rolan, matapos mag-inuman ay ihahatid pauwi ang kanilang kasamang si Eddie sa kanyang bahay.

Dito nila nakasalubong ang mga suspek na noon ay nasa ilalim ng impluwensiya ng alak, at walang dahilang pinagbubugbog ang mga biktima.

Sa gitna ng pagkakagulo, malubhang nasugatan ang dalawang biktima nang ilang beses pagsasaksakin ng isa sa mga suspek na si Aguiela na nagresulta sa pagkamatay ng mag-ama. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …