Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Celebrities Atbp Laban sa Climate Change KSMBPI Mike Aragon

Doc Mike ng KSMBPI nabudol?

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NATUPAD at nagampanan ni Doc Mike Aragon ang paghahatid-saya niya sa mga nagsidalo at nag-participate sa katatapos lang na Celebrities at Iba Pa Laban sa Climate Change na  nataon din sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating bayaning si Andres Bonifacio.

Sa layong mapalaganap ang nasimulan ng Clean Air Act, nag-anyaya ng mga cosplayer si Doc sa nasabing pagtitipon na  isang contest sa may pinaka-makabuluhang costume na ayon sa adbokasiya ang magwawagi.

Ang mga nanalo ay ang sumusunod:. Over all-Jolito Beral—Sun Wukong (PHP 30K); Anime—Kean Juries-Chainsaw Man(PHP 10K); Armor—Joren Dave Rivas—Dragong Wukong (PHP 10K); Cloth—Glenn Cuevas—Joker(PHP 10K); Games—Eliza Ann Pecaoco-Freya(PHP 10K).

Agad-agad na naipamahagi ni Doc Mike ang mga premyo ng mga nagsipagwagi na sinaksihan ng media.

Umasa ang KSMBPI sa suporta ng ilang mga tao pero sa kung anong mga kadahilanan ay hindi na nga naganap.

Gayunman, paumanhin pa rin ang hiningi ni Doc Mike sa media na sumaksi sa pagtitipon ng mga nagwagi sa nasabing kontes.

“Pasensiya na po kayo lahat sa twist ng mga nangyari sa awarding of cosplay winners at presscon natin kanina. We are in good faith.

“But I believe na blessing in disguise rin ito sa KSMBPI kasi  magiging opportunity ito  for the truth to come out.

“Victim ang KSMBPI rito. Nagtiwala kami…

“The truth shall set us free.

“Maraming salamat sa inyong lahat. God bless us all.”

Hindi naman dito matatapos ang advocacies ni Doc Mike primarily sa pagpapalaganap ng clean air act! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …