Sunday , December 22 2024

Gobyerno tama ang hakbang

TAMA lang ang ginagawang pagbawi ng pamahalaan sa mga lugar na kinubkob ng mga miyembro ng rebeldeng Moro National Liberation Front sa Zamboanga. Marami na ang kanilang naging hostage at ang masakit ay patuloy ang stand off  kung kaya’t maraming pamilya ang nawalan ng tirahan.

Maganda ang desisyon ng pamahalaan na tuloy-tuloy ang laban at huwag bumigay sa hiling na ceasefire ng ilang religious sect upang patunayan sa mga rebelde ang kakayahan at kahandaan ng gobyerno laban sa kanilang puwersa.

Naunang pumayag ang pamahalaan na magkaroon ng cease fire upang makapag-usap ang dalawang kampo at matigil na ang pagdanak ng dugo subalit hindi naman nakombinse ang mga rebelde na sinsero ang pamahalaan kung kaya’t tuloy-tuloy ang ginagawa nilang opensa na ang pinakahuli ay ang pagdukot sa hepe ng Zamboanga City Police na si Supt. Jose Chiquito Malayo.

Ang mga hakbang ng mga rebelde ay patunay lang na hindi sila tumitigil sa paghamon sa pamunuan ni Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa kakayahan niya at ng mga nakaupo sa pagdedesiyon kaugnay sa kapayapaan at kaayusan ng bayan.

Hinihintay nila na bumigay si Pangulong Pnoy sa kanyang pasensiya sa patuloy na panunudyo ng mga rebeldeng MNLF at sa hepe na si Chairman Nur Misuari.

Sa bilang ng mga namatay sa panig ng mga rebelde at sundalo, patunay lang ito na mas bihasa at mas sanay ang mga sundalo sa pakikipagbakbakan bukod pa sa mas marami ang suplay na gamit ng huli.

Gayonman, dasal pa rin ang dapat natin ipagkaloob sa mga sangkot sa gulo sa Zamboanga City, sa panig man sila ng pamahalaan o rebelde, sapagkat iisa ang ating pinagmulan at hindi dapat na kapwa mga Filipino ang nag-aaway at nagpapatayan sa hindi malamang dahilan o ideolohiya at prinsipyo.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *