BAKIT ang beams o ano mang mabigat na bagay sa itaas ng kama ay bad feng shui?
Ang tanging mainam na bagay sa itaas ng kama habang ikaw ay natutulog ay ang soft canopy. Huwag maglalagay ng ano mang bagay na mabigat, katulad ng chimes at bells sa itaas ng inyong kama dahil ito ay bad feng shui. Ano mang mas mabigat pa kaysa tela sa itaas ng kama ay magbubuo ng oppressive/heavy energy na kalaunan ay mararamdaman mo ang epekto sa iyong pamumuhay.
Karaniwang mayroong beam o may nakasabit na ceiling fan o chandelier sa itaas ng kama. Minsan ay mayroon ding nagsasabit ng mabigat na metal wind chime sa itaas ng kama sa pagnanais na magkaroon ng good feng shui. Kung plano n’yong magsabit ng chime sa itaas ng kama, huwag itong gagawin maliban na lamang kung nais mong magkaroon ng bad feng shui sa inyong bedroom.
Kung mayroong heavy beam sa itaas ng kama, ito ay bad feng shui. Ang best solution ay ilipat ang kama nang malayo sa beam. Kung hindi maaaring ilipat ang kama, maglagay ng canopy bed o ikaw mismo ang magbuo ng canopy para sa iyong sarili para maprotektahan ang iyong kalusugan at relasyon mula sa heavy energies.
Kung nais maglagay ng chandelier, isabit ito nang malayo mula sa headboard. Ganito rin sa ceiling fan kung plano mong maglagay nito.
Lady Choi