Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Azi Acosta Pamasahe

Azi hinangaan ang galing ng pag-iyak sa Pamasahe

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANAK pala ng pastor ang bida ng bagong handog na pelikula ng Vivamax, si Azi Acosta na talagang walang takot na nagbuyangyang ng kahubdan sa Pamasahe.

At maging sa isinagawang private screening  walang takot na ibinando nito ang kalahati ng kanyang suso na aniya’y peg niya si Rosanna Roces.

Nakasuot si Azi ng long red gown na nakalabas ang isang bahagi ng kanyang suso na ang tanging natatakpan lamang ay ang kanyang nipple.

Keri naman ni Azi ang kanyang OOTD nang gabing iyon na marami ang nagandahan sa totoo lang.

Modelo si Azi bago napasok ang pag-arte at aniya hindi hadlang na anak siya ng pastor sa ginagawang paghuhubad dahil hindi na pala nila iyon kasama. At kung anuman ang magiging reaksiyon ng kanyang tatay sa trabaho niya, inihihingi niya ng pasensya. 

Pasensya na lang po ito ang pinili kong work,” ani Azi.

Kapuri-puri ang akting ni Azi sa Pamasahe at tiyak na malayo ang mararating niya.

Hindi lamang kami ang nakapansin ng galing ni Azi magin ang direktor ng Pamasahe na si Roman Perez, Jr. puring-puri siyadahil anito ibinigay ni Azi ang lahat-lahat para sa launching film.

Ang “pamasahe” ay nangangahulugan ng dalawang bagay: perang dapat ibayad sa pampublikong transportasyon, o isang pakiusap para sa serbisyong masahe, tulad ng pagsabi ng “Paki masahe ako.”

Rito iikot ang pelikulang Pamasahe na ukol kay Lineth (Azi) isang inang mula sa probinsiya ng Negros. Matapos masalanta ng bagyo ang kanilang lugar, nagtungo siya ng Maynila, bitbit ang saggol na anak, para hanapin ang asawa.

Isang kapuspalad at walang pera upang ipambayad sa barkong kanyang sinakyan, mauuwi siya sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kalalakihan.

Habang naglalakbay, ibabahagi niya ang kanyang masalimuot na istorya. Sa dami ng kanyang kuwento sa buhay, alin kaya ang katotohanan at dapat paniwalaan?

Kasama ni Azi sa pelikula sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Shiena Yu, Julio Diaz, Shirley Fuentes, at Erlinda Villalobos.

Nagustuhan namin ang pelikula ni direk Roman at sa lahat ng nagawa niya ito ang masasabi naming maayos ang pagkakalatag. Humanga rin kami sa galing umiyak ni Azi at nakatitiyak kaming magiging isang magaling siyang artista.  

Mapapanood ang Pamasahe simula sa December 9, sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …