ZAMBOANGA CITY – Sa unang pagkakataon, gumamit ng air asset ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kani-lang operasyon laban sa Moro National Liberation Front (MNLF) fighters na nagkakanlong pa rin sa ilang barangay sa Zamboanga City.
Napag-alamang da-lawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force (PAF) ang umatake sa posisyon ng MNLF Misuari faction.
Ang hakbang ng PAF ay kasunod ng deklaras-yon ng AFP na pagpa-patupad ng calibrated military operations sa ika-walong araw ng standoff kahapon.
Una rito, maaga pa lamang kahapon muli na namang binulabog ng matinding putukan ang mga residente ng Zamboanga mula sa tropa ng pamahalaan at MNLF fighters.
Umalingangaw ang putukan dakong 5:30 a.m. at pasado 7 a.m. narinig na naman ang heavy gunfire sa mag-kabilang panig.
Sinasabing kabilang sa putukan ay mula sa sniper fire ng mga nakaposisyong MNLF forces at mula sa mortar.
(BETH JULIAN)