Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suspensyon sa Zambo Airport operations pinalawig ng CAAP

PINALAWIG ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang suspensyon sa operasyon ng Zamboanga Airport mula Setyembre 17 hanggang 21, 2013 bunsod ng kasalukuyang sitwas-yon sa Zamboanga.

Bunsod nito, ang sumusunod na CEB flights ay kanselado mula Setyembre 17 hanggang 21, 2013: 5J 851/852 Manila-Zamboanga-Manila; 5J 855/856 Manila-Zamboanga-Manila; 5J 859/860 Manila-Zamboanga-Manila; 5J 857/858 Manila-Zamboanga-Manila; 5J 433/434 Cebu-Zamboanga-Cebu; 5J 393/394 Davao-Zamboanga-Davao; 5J 839/840 Zamboanga – Tawi-Tawi – Zamboanga; at 5J 845/844 Cagayan de Oro – Zamboanga – Cagayan de Oro.

Ang lahat ng CEB passengers na apektado ng nasabing kanselasyon ay maaaring mag-avail ng sumusu-nod na opsyon: rebooking ng flights for travel sa loob ng 30 araw mula sa original departure date nang walang multa, full travel fund o full refund. Maaari rin i-reroute ang flights sa pinakamalapit na alternate station sa Zamboanga.

Ang mga pasahero ay maaaring tumawag sa (02)7020-888 o (032)230-8888 para sa kanilang napiling opsyon, ano mang oras maging makaraan ang kanilang flights. Umaasa ang CEB na mauunawaan ng mga pasahero na ang sitwasyon ay hindi kontrolado ng airline. Magpapatuloy ang CEB sa pagkakaloob ng updates sa mga pasahero.

(G.M.GALUNO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …