Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kira Balinger mysterious girl ni L.A. Santos?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang nakakapansin sa magandang chemistry nina Kira Balinger at L.A. Santos sa hit ABS-CBNseryeng Darna. Kahit off cam ay iba rin ang samahan ng dalawa.

Si Kira si Luna samantalang si L.A. si Richard at kitang-kita na bagay sila. Katunayan, maraming netizens ang nagsasabing bagay sila. 

Sa magandang pagtitingin nina L.A. at Kira on and off camera, may mga nagtatanong kung seseryosohin kaya ng dalawa ang kanilang screen team up? Ini-next level na kaya nila ito?

Kasi naman kahit sa kanilang social media posts, kapansin-pansin kung paano i-treat ni L.A si Kira, very special talaga. 

Teka, si Kira kaya ang tinutukoy na mysterious girl sa mga Instagram post ni L.A. at sa interbyu namin sa kanya?

Kakaiba kasi ang glow ni L.A nang makausap namin ito at nabanggit niyang may nagpapangiti sa kanya. Bagamat ayaw niyang sabihin kung sino iyon, marami ang nagsasabing tila si Kira nga iyon.

Sa ngayon, walang kompirmasyon kina LA at Kira sa totoong status ng kanilang special friendship. Kaya for now, nakaabang ang mga Marites kung later on ba ay aamin na rin sila.

Well, walang masama kung magkamabutihan sina LA at Kira, anyway pareho naman silang single at bagay na bagay talaga sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …