Tuesday , December 24 2024
Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national budget para taong 2023.

Tanging sina Senate Minority Leader Aqulino “Koko” Pimntel III at Senadora Risa Hontiveros ang tumutol sa ratipikasyon ng panukalang 2023 national budget.

Sa bicam report, muling naibalik ang P150 milyong confidential funds para sa Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.

Hindi nagtagumpay ang bersiyon ng senado na P30 milyong inalaan para sa naturang pondo.

Ayon kay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, matimbang sa senado ang paliwanag na higit na kailangan ito ng DepEd kung kaya’t pinayagan nila ito.

Hindi na ipinagkaloob ang confidential budget na hinihiling ng Department of Justice, Department of Foreign Affairs, at Ombudsman ngunit nanatili ang iba pang confidential funds sa ilalim ng iba pang mga ahensiya ng pamahalaan.

Ani Angara, ang bawat confidential funds ay dapat dumaan sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) upang matiyak na nagamit ito nang tama.

Muli rin naibalik ang P10 bilyon ng NTF-ELCAC na naunang tinapyasan dahil sa kakulangan ng mga nagawa na ikinatuwa si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Naniniwala si Dela Rosa, lubhang makatutulong upang masugpo at mahinto na ang pag-aaklas laban sa pamahalaan.

Ayon kay Angara, nakapaloob sa 2023 proposed budget ang mga ayuda o tulong ng pamahalaan para sa mga mamamayan.

Kabilang dito ang fuel subsidy, libreng sakay at libreng tuition fee, at iba pang mga ipinagkakaloob ng pamahalaan tulad ng 4P’s at TUPAD.

Desmayado si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa nailaang pondo sa sector ng kalusugan.

Ayon kay Go, lubhang kapos ito lalo na’t mayroon pang backlog o bayaring utang ang pamahalaan noong pang 2021.

Umaasa si Go, sa kabila nito ay buong-buong maihahatid ng sector ng kalusugan ang mga pangkalusugang pangangailangan ng mga kababayan lalo ng mahihirap.

Tiniyak ni Angara, bahagi ng proposed 2023 national budget ang paglalaan ng pondo para sa mga hindi pa bakunado at paglaban pa rin sa Covid-19. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …