Friday , May 2 2025
road accident

Rider todas, angkas kritikal

PATAY ang isang rider habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang angkas nang ma-hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kaagad binawian ng buhay sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22 anyos, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente sa R-10 Sitio Puting Bato, North Bay Boulevard South.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center  (TMC) sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Aldrin Dilao, 29 anyos, welder, residente sa Block-42, Lot-26, Purok-2, Bitungol, Norzagaray, Bulacan.

Batay sa ulat ni P/Cpl. Dandy Sargento kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, binabagtas ng mga biktima sakay ng isang motorsiklo ang kahabaan ng north bound ng North Bay Boulevard, Brgy. NBBS Proper, dakong 2:20 am.

Pagsapit sa intersection ng C3 Road, Brgy. NBBS Proper nahagip ang mga biktima ng bahagi ng trailer na tumatawid sa nasabing lugar.

Matapos ang insidente, hindi huminto ang driver ng trailer truck at iniwanan ang mga biktima habang isinugod sa nasabing pagamutan si Dilao.

Patuloy ang isinasagawang backtracking ng pulisya sa mga CCTV para sa posibleng pagkakilanlan ng driver at plate number ng trailer truck na kulay asul ang tractor head, may chassis at karga na pulang container. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …

Senate Senado

“Labor Commission” isinusulong sa senado

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission …

Leninsky Bacud ABP Partylist

P1-M pabuya alok ng ABP Partylist laban sa gunman, utak sa pagpaslang kay Bacud

NAG-ALOK ng halagang P1 milyon ang Ang Bumbero ng PIlipinas (ABP) Partylist sa makapagbibigay ng …

Bigas Rice P20 per kilo

P20/kilo ni Marcos ‘gimik’ para makapuntos ng boto — CPP

“KASUKLAM-SUKLAM ang gobyernong Marcos sa paggamit sa gutom at kahirapan ng mga Filipino para lang …

Batangas Money

Batangas SP iimbestigahan educational aid sa lalawigan

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala ang Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas sa estilo ng pagkaltas sa …