Tuesday , December 24 2024
Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang planong importasyon, kasabay ng mga anihan sa Disyembre.

Paliwanag ni Marcos, handa ang mga onion farmers sa Region 1 hanggang Region 3 sa anihan sa ikalawang linggo ng Disyembre, partikular sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Tarlac.

“Mahigit sa 43% ng pulang sibuyas ay maaani sa susunod na buwan at masusundan ito ng mga ani sa Enero mula sa Mindoro,” ayon kay Marcos na tumutukoy sa monitoring report ng Bureau of Plant Industry (BPI) ngayong Nobyembre sa mga nakatanim at mga nakaimbak na sibuyas sa nagdaang mga buwan.

Sa nasabing report, inaasahang makaaani ng 5,537.3 metric tons (MT) ng pulang sibuyas sa Disyembre mula sa kabuuang inaasahang ani na 12,837.9 MT hanggang sa Pebrero ng papasok na taon.

               Pero ayon sa BPI, ang inaasahang ani sa susunod na buwan at ang 13,043.37 MT na na-monitor na imbak ng sibuyas ay kapos pa rin para sa buong buwan ng Disyembre dahil sa matinding pinsala ng bagyong Paeng sa mga pananim noong Oktubre at pagsirit ng demand ng mga mamimili dahil sa Holiday Season.

Sa gitna ng mataas na presyo ng sibuyas mula P280 hanggang P400 kada kilo, inirekomenda ng ahensiyang nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng mga sibuyas.

“Nakakalimutan na ba natin ang ating mga magsasaka? Tinutugunan nga natin ang mataas na presyo ng bentahan para sa mga konsumer pero ano naman ang mangyayari sa ating mga magsasaka na nalulubog na sa napakababang presyohan mula sa taniman na halos kalahati lang ng kanilang gastusin sa produksiyon?” tanong ni Marcos.

Ang farmgate prices ng sibuyas sa kalagitnaan ng buwang ito ay nasa P25 hanggang P27 kada kilo, kompara sa P45 hanggang P55 kada kilo na inaapela ng mga magsasaka para  makabawi sa panahon ng anihan, hindi pa kasama rito ang kanilang gastusin sa cold storage.

“Ang importasyon ay naging bahagi na ng paulit-ulit na manipulasyon sa presyohan ng mga negosyanteng kasabwat ng mga tiwaling opisyal sa DA at Bureau of Customs,” ani Marcos.

“Ang pagbubulag-bulagan sa hoarding at smuggling ang umiipit sa atin sa panandaliang lunas ng importasyon.

“Ang lokal na pananim ay itinatago para maging dahilan ng aritipisyal na kakulangan ng supply, pagkatapos ibinebenta naman kapag tumaas na ang presyo. Bumibili ang mga trader sa mga lokal na magsasaka sa pinakabarat na presyo at itinatago muli ang ani, habang ang mga smuggler ay kumikita sa mga misdeclared at undervalued na angkat na produkto,“ paliwanag ng senador.

Idinagdag ng chairman ng Senate Committee on Cooperatives na ang mababang kita sa ani ang dahilan para mapilitan ang mga kooperatiba na makipag-kompromiso sa mga trader na target magkaroon ng import permit, at kakapusin naman ang maliliit na magsasaka sa gastos para sa dry at cold storage na ‘kontrolado na ng mga kartel.’  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …