Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angela Morena Stefanie Raz Micaella Raz

Angela wa keber suportahan ang kapatid

KITANG-KITA namin ang suportahan ng magkakapatid na Angela Morena, Stefanie Raz, at Micaella Raz sa pelikulang Bata pa si Sabel ng Vivamax na mapapanood na sa December 2.

Bagamat bida sa Bata pa si Sabel si Micaella hindi nakitaan ng inggit sina Angela ar Stefanie. Hinayaan nilang mag-shine si Micaella.

Sabi nga ni Micaella, “I really appreciate the efforts of my sister to help me. Lalo na ang ate kong si Angela, kasi nagbibida na siya but she just plays a supporting role here just to help me.

Pare-parehong game sa paghuhubad at paggawa ng sex scenes ang mga pamangkin ng dati ring sexy star na si Lara Morena.

Launching movie ni Micaella ang Bata Pa Si Sabel at sa totoo lang nagustuhan namin ang istorya.

Si Micaella ay isang young bride na ginahasa ng adik na anak ng mayor kasama ang dalawang katropa sa mismong honeymoon nila ng kanyang groom.

Pinatay ng mga suspek ang asawa ni Micaella kaya naman isinumpa niyang maghihiganti. 

Maganda ang pagkakalatag ni Reynold Giba sa kuwento na nilikha ng award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza.

Magagaling ang mga artistang nagsiganap at kahanga-hanga si Micaella na talagang ibinuhos ang lahat ng galing sa acting.

Samantala hindi naman big deal kay Angela na suportahan ang kapatid. “Actually, mas naunang i-shoot itong ‘Bata Pa si Sabel’ pero mas una lang naipalabas ang ‘Tubero.’

“But I don’t really mind switching from lead to supporting roles. In ‘Alapaap’, I also play a supporting role as a native girl in Mindoro who lead actor Josef Elizalde hires to be part of the documentary they’re filming there. Okay lang naman,” aniya.

Mapapanood ang Bata Pa Si Sabel sa Vivamax simula sa December 2. Kasama rin dito sina JC Tan, Rash Flores, Chad Solano,  Benz Sangalang, Gardo Versoza, Julio Diaz, at Katya Santos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …