Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ciara Sotto

Ciara may trauma na sa pag-ibig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI ikinaila ni Ciara Sotto na nagkaroon siya ng trauma sa pag-ibig dahil na rin sa nangyari sa kanila ng dating mister na si Jo Oconer. Nahiwalay si Ciara sa kanyang mister noong 2016 kaya naman talagang super ingat na siya kapag pag-ibig na ang pag-uusapan.

Napawalang-bisa ang kasal nina Ciara at Jo noong 2019 na nabiyayaan ng isang anak, si Vincenzo Xose o Crixusna pitong taong gulang na ngayon. 

Sa media conference ng bagong show nila nina Ruffa Gutierrez at Mariel Padilla, inamin ni Ciara na, “Mayroon pong trauma, mayroon po talaga. Kaya nag-iingat po talaga ako. Ayoko ng biglaan or. . .ayoko ng basta-basta, ‘di ba? ‘Yung nakilala mo lang. Kasi may trauma po talaga ako.”

Nang tanungin kung ano ang mga requirement niya sa isang lalaki para mahalin niya, sinabi ni Ciara na, “mabait, matino, mamahalin ang anak ko at magugustuhan ng family ko. ‘Yun lang.”

Hindi naman sure si Ciara na gusto niyang makasal muli.  “I really don’t have an answer to that, I don’t know,”sambit pa niya na ngayon ay happy na single at iginiit na  hindi totoo ang tsismis na may namamagitan sa kanila ni James Yap.

Nakakahiya roon sa tao, may pamilya. Kaya wala po talagang katotohanan,” giit pa ni Ciara.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …