RATED R
ni Rommel Gonzales
DATI ay may ideal age for marrying si Thea Tolentino, pero ngayon, wala na. Nagbago na ang isip niya.
“Dati gusto ko , ‘pag 30 pa ako, ganyan kasi gusto ko pang mag-travel, ganyan.
“Pero habang tumatagal iba-iba ‘yung nae-experience mo every year, nagbabago ‘yung perspective mo.
“Dati gusto kong mag-settle sa Japan, tapos, ‘Ay hindi pala!’
“Nagbabago. Kasi noonh mga time na ‘yun ‘yung plans ko para sa sarili ko is iyon lang, para sa sarili ko lang talaga.
“Wala kasi akong iniisip na partner noon, pero ngayon nag-iiba dahil iyon nga, may partner ka na,” paliwanag ni Thea.
Ini-enjoy lang muna nila ng boyfriend niyang si Martin San Miguel ang kanilang relasyon. Hindi rin istrikto ang boyfriend ni Thea.
Pero halimbawang gagawa siya ng isang eksenang seksi sa harap ng kamera, papayag kaya si Martin?
“Wala pa naman po akong ginagawang seksi at saka nasa akin din naman po ‘yun kung komportable ako, iyon po ang importante.”
Gumaganap si Thea bilang Dahlia Chua sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters samantalang piloto ng PAL Express si Martin.