MA at PA
ni Rommel Placente
SA latest episode ng podcast na Wala Pa Kaming Title kasama ang mga kaibigan niyang sina Candy Pangilinan, Gelli, at Janice de Belen, ikinuwento ni Carmina Villaroel ang isang artistang sumampal sa kanya nang bonggang-bongga sa isang proyektong ginawa niya ilang taon na ang nakararaan. Hanggang ngayon daw ay naaalala pa rin niya iyon.
Talagang nawindang siya sa nasabing eksena na hanggang ngayon ay parang ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit sa mukha niya.
Kuwento ni Carmina, “May buwelo, ‘yung talagang galing dito sa baba paganoon sa akin. Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa. Buti na lang may sofa kasi kung walang sofa nahulog ako sa floor.”
Walang binanggit na pangalan si Carmina sa kanyang rebelasyon kung sino ‘yung artistang nakaeksena niya na sumampal sa kanya nang malakas.
Aminado siya na napikon siya sa artistang ‘yun.
“Napikon ako, kasi ang sakit, ang sakit. Imadyinin mo may buwelo,” sey pa ni Carmina.
Buti na lang mayroon pa rin siyang presence of mind habang kinukunan ang nasabing sampalan scene at itinuloy pa rin ang eksena para hindi na sila ma-take 2 o take 3 dahil baka hindi na siya makapagpigil.