Friday , November 22 2024

Naipit ng Zambo siege, suicidal na

HALOS magpatiwakal na sa hirap na nararanasan ang isa sa mga residenteng naiipit ng kaguluhan sa Zamboanga City.

Idinetalye ni Criselda Jamcilan kung paano sila tumakas sa Sta. Barbara sa gitna ng palitan ng putok.

Ayon sa ginang, wala silang nadalang kahit anong gamit kundi isinama lang niya ang kanilang mga anak, habang ang kanyang mister ay naiwan sa kanilang bahay.

Ngunit nabalitaan niya na isa ang kanilang bahay sa mga nasunog na rin matapos silang tumakas kaya nalilito na siya kung anong gagawin.

Pumapasok na rin aniya sa isip niya ang magpatiwakal.

Ngunit napipigilan lamang siya kapag nakikita niya ang kanilang mga anak na walang ano mang maaasahan, lalo’t hindi na niya alam kung nasaan ang kanyang mister.

Sa ngayon ay nasa evacuation center si Crisela at ang kanyang mga anak ngunit nahihirapan pa rin sa kanilang sitwasyon. (HNT)

US drones gamit sa Zambo surveillance

USAP-USAPAN sa Zamboanga na tumutulong na rin sa surveillance operations ang tropa ng Amerika sa nangyayaring standoff na nasa isang linggo na.

Ito ay nang mapansin ng ilang mamamahayag ang minsang paglipad ng pinaniniwalaang unmanned aerial vehicle o drone.

Ang drone ay maliit na eroplano na walang piloto na pinalilipad sa pamamagitan lamang ng computer o remote control.

Kadalasan ito ay may camera na ginagamit sa surveillance operations sa isang lugar o pag-spy sa mga kalaban.

Ayaw namang kompirmahin ng AFP na kasama na sa operasyon nila ang tropa ng Amerika.

Sa Zamboanga ay matagal na rin merong nakahimpil na kampo ng US marines.

PNOY, AFP TINULIGSA NG CPP SA PAGLUSOB SA MNLF

TINULIGSA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang rehimeng Aquino at ang armed forces sa paglulunsad ng armadong  paglusob  sa pwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zambanga City.

Ayon sa CPP, ang paglusob ng AFP laban sa MNLF forces ay nagresulta sa malawakang humanitarian crisis, nanganib ang buhay ng daan libong residente, napilitang lumikas ang buong komunidad ng mga sibilyan, naabuso ang karapatang pantao at naapektohan ang ekonomiya ng lungsod.

Ayon sa CPP, dapat ay hinayaan na lamang ng GPH ang MNLF na ipatupad ang orihinal nilang plano na magsagawa ng politico-military protest action nitong Lunes sa Zamboanga City.

Imbes hayaan sa kanilang planong protesta sa Zamboanga City nitong Lunes, naglunsad anila ang rehimeng Aquino ng paglusob laban sa MNLF fighters na nagresulta sa armed standoff, at binalewala ang kapakanan at kaligtasan ng mga sibilyan sa erya.

Dagdag ng CPP, kombinsido ang karamihan na pinili ng rehimeng Aquino na maglunsad ng paglusob upang mai-divert ang atensyon palayo mula sa malawakang protesta laban sa Malacañang at sa congressional pork barrel.

Iginiit ng CPP na magpatupad ng ceasefire ang pamahalaan at hayaan ang ligtas na pag-atras ng pwersa ng MNLF mula sa residential centers.

Sa kabilang dako, binatikos naman ng CPP ang MNLF sa pagsangkot sa politico-military adventurism sa layuning maprotektahan ang pag-kontrol ni Misuari sa Mindanao na nanganganib dahil sa binubuong kasunduan ng MILF at ng pamahalaan.

Zambo crisis, agenda sa Obama-Aquino meeting

KABILANG sa mga isyung pag-uusapan nina Pangulong Benigno Aquino III at US President Barack Obama ang nagaganap na Zamboanga City crisis sa pagbisita ng pangulo ng Amerika sa bansa sa susunod na buwan.

Ito ang pahayag kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte bagama’t aminado siyang hindi pa niya batid ang lahat ng magiging paksa sa paghaharap nina Pangulong Aquino at Obama sa pagdating ng US President sa Filipinas sa Oktubre 11-12.

“Hindi ko pa ho alam kung ano ho ‘yung magiging agenda. We have general … Obviously, pwede ho itong mapag-usapan po kapag nagpunta po ‘yung Pangulo ng Estados Unidos dito,” tugon ni Valte nang usisain kung kasama ang Zamboanga City standoff sa agenda ng pagbisita ni Obama sa bansa.

Kinompirma ni Valte na tumutulong ang US sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods sa evacuees sa Zamboanga City ng United States Agency for International Development (USAID).

Sa kabila nito’y binigyang diin ni Valte na walang kinalaman ang ikinakasang framework sa increased rotational presence ng US troops sa bansa sa Zamboanga City standoff. (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *