Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kotse ng slain ad exec narekober sa Las Piñas

NATAGPUAN na ang sasakyan ni Kristelle “Kae” Davantes, ang pinaslang na advertising executive kamakailan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson, Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, nakita ang Toyota Altis ng biktima sa Camella Homes 4 sa Las Piñas kahapon ng umaga.

Bagama’t tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye, malaking development aniya ito para sa paghahanap ng hustisya sa kaso ng pagpatay kay Devantes, 25-anyos.

Kung maaalala, Setyembre 7 nang matagpuan ang duguang bangkay ni Devantes na tadtad ng saksak, nakatali ang kamay at paa at may takip ang bibig, sa Tibagan Bridge sa Silang, Cavite.

Una nang naglaan ng P200,000 reward ang pulisya para sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikaaaresto ng suspek sa Davantes killing.

Huling nakitang buhay ang biktima sa Bonifacio Global City matapos gumimik kasama ang mga kaibigan at natagpuang patay kinabukasan.

Inihatid na sa huling hantungan kahapon si Devantes sa Sucat, Parañaque. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …