Friday , April 18 2025
Joel Lamangan
Joel Lamangan

Mga artistang natarayan ni direk Joel sumikat: kung hindi, ibig sabihin ‘di kayo nag-e-exist

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MAY ilang mga bagay na dapat ikonsidera kung ikaw ay sasalang sa pelikula ng mahusay at premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Ayaw na ayaw nito sa TANGA!

“’Yun ang pinaka-mahirap. Walang cure! ‘Yung nagkukunwari na alam niya, ‘yun ag pinagagalitan ko. ‘Yun sa akin ang tanga.

“Napakahirap naman ‘ata na umabot ng take 24. Kapag ganoon, kinakausap ko na lang. Magagalit ka na nga. Mahihiya ka pa sa producer sa ginagastos niya sa pelikula.

“Marami naman ang may alam na isa pang ayaw na ayaw ko eh, ‘yung nale-late sa call nila. Umaga ang call time, 8:00 a.m. alas dose ng tanghali dumarating. ‘Yung iba 4:00 p.m. pa dumarating. Hahabulin ko talaga sila ng saksak. Kasi ang daming napeperhuwisyo. Sinusuwelduhan din lang ako roon. Kaya dapat alam ko mag-control.

“Kung magaling naman, sasabihin ko naman. Kung hindi eh, doon na makakatikim sa akin. Isa pang ayaw na ayaw ko eh ‘yung mga mapagmataas sa mga kasamahan sa trabaho. Ayoko ng hindi marunong makisama sa mga tao.

“Lahat naman ng ‘yan, bago pa magsimula ang shoot, alam na nila. Dahil kinakausap ko naman sila.”

Pero roon na rin nagsimula ang notion na kapag naman daw natarayan o natalakan nito ang isang artista eh, sumisikat ito.

Kaya dapat na matakot sila sa akin. Kasi, kung hindi ko sila pansinin, ibig sabihin lang niyon wala akong pakialam at hindi kayo nag-e-exist sa akin. Eh, ang bunganga ko, kung ano-ano ang lumalabas. ‘Pag tinarayan ko, may potensiyal ‘yun.”

Sa Disyembre, isa sa aababgang panoorin ang kanyang My Father, Myself sa Metro Manila Film Festival. Hindi pa man eh, napaka-ingay a pinag-uusapan ang pelikulang may kontrobersiyal ang tema.

At kamakailan, muling humarap sa press si Direk Joel para sa storycon ng bago niyang sisimulan sa 3:16 Media Networks at Mentorque Productions, ang Sa Kanto ng Langit at Lupa na magtatampok muli kay Sean de Guzman.

Ito ay mula sa panulat ng Cinemalaya 2023 Best Director na si Ma-An L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room) kasama ang kabiyak ng pusong si Michael

Kasama ni Sean sa cast sina  Royce Cabrera, Quinn Carrillo, Rob Guinto, Marco Gomez, Jiad Arroyo at marami pa. 

Natakot ba ang mga bagong makakasama ni direk Joel sa pelikula? O naging isang malaking hamon ito sa mga baguhan? 

About Pilar Mateo

Check Also

Camille Prats

Camille Prats buking ang pagkamaldita

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang hapon ng mga Kapuso dahil sa big …

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Chryzquin Yu

Chryzquin Yu rising star ng Blvck Entertainment

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGGULAT sa kanyang performance ang pambato ng Blvck Entertainment Production Inc., si Chryzquin …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …