Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelika Santiago Ramon Christopher

Angelika Santiago, kakaiba ang excitement sa first movie niyang Plandemic

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Angelika Santiago na nakaramdam siya ng kakaibang excitement sa first movie niyang pinamagatang Plandemic.

Lahad ng magandang teen actress, “Ito po ang first movie ko, kaya may na-feel po talaga akong kakaibang excitement.”

Napanood na ba niya ang Plandemic?

Wika ni Angelika, “Sa ngayon po hindi na po, kasi marami pa pong plano si Direk Danny and super-excited po akong makita ‘yun. Hopefully soon po ay maipalabas na ito.”

Inusisa rin namin siya hinggil sa kanilang pelikula.

“Iyong Plandemic po, may pagka… parang All of Us Are Dead po siya. Zombie movie po siya basically, na may halo rin na comedy. So, horror-comedy movie siya na swak na swak sa mga millennials, super, hahaha! ‘Tsaka trend din po, kasi sumikat ‘yung sa All of Us Are Dead.”

Aniya, “Ang role ko po rito, isang titser, si Miss Alyanna. Ako po ‘yung may crush sa main character played by kuya Ford Valencia. Sa una po ay medyo may kaunting kilig-kilig, pero sa rest po ng movie ay makikita n’yo po na talagang palaban po ang lahat ng characters.”

“Pero super napabilib po ako sa production and siyempre sa mga co-actors ko na kinayang mag-act gamit ang green screen. Super naa-amaze po talaga ako from the edits and acting,”  hirit ni Angelika.

Ang pelikulang Plandemic ay magsisimula matapos pumalpak ang plano ng anti-government forces ng isang man-made virus na gagamitin sana para pabagsakin ang administrasyon, pero nauwi sa zombie apocalypse ang kanilang masamang balak.

Ito ay hatid ng Domniel International Film Productions. Sa presscon nito sa Norzagaray, Bulacan ay present ang ilang casts nito gaya nina Ramon Christopher Gutierrez, Rob Sy, Allysa dela Pena, Reynan Dal-Anay, at si Angelika. Kasama ang direktor na si Danny G. Marquez at ang producer na si Dominic Orjalo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …