Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yves Flores Gillian Vicencio

Relasyong Yves at Gillian lumalalim

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LUMALALIM tulad ng nangyari sa ginagampanan nilang karakter sa nagtapos na teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang 2 Good To Be True, ang pagtitinginan nina Yves Flores at Gillian Vicencio.

Ito ang inamin ng Kapamilya actor na si Yves na sa totoo lang, marami pala ang kinikilig sa kanila kasama na kami.

Kaya naman marami ang nagtatanong at naiintriga kung ano ang relasyon nila – friends ba o lovers na? Kasi naman iba talaga ang kilig nina Red at Tox.

Tinatanong kasi ng mga tao lalo na sa set namin, inaasar kaming dalawa, kung ano nangyari, kung may chance ba (magkaroon ng relasyon)?

“Lagi kaming inaasar na dalawa. Pati sina Ate Gelli (de Belen), si Kathryn (Bernardo). Tinatanong kami, ano ba ang mayroon sa inyo parang may something,” ani Yves sa interbyu ng Inside News ng Star Magic.

“Sabi ko ‘Gil, may something ba?’ Pati mga kaibigan namin tinanong kami. Siguro nadadala sa eksena, napapanood o lagi kaming magkasama. ‘Yun ang laging tanong sa amin.

“Ang sinabi ni Gil, magkaibigan kami. So parang lumalim na rin ‘yung relationship namin. Pero wala kami sa ganoon (BF-GF), alam mo ‘yung hindi namin iniisip na magka-something kami o anuman.

“Pero ang sabi ko parang tini-treasure namin kung anong relationship mayroon kami ngayon. Well sabi nga namin hindi mo alam ang mangyayari.

“Ayaw mo rin magbitaw ng salita na ayaw mo o kaya gusto mo. Okay kami. Siguro kung magkaroon man ng ganoon, bonus na lang. Pero as magkaibigan ay masaya kaming dalawa,” giit ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …