Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis na GRO utas sa martilyo

PATAY na nang ma-tagpuan ang buntis na guest relations officer (GRO) sanhi ng pagkabasag ng bungo dahil sa paghataw ng mar-tilyo sa Caloocan City kamakalawa ng mada-ling-araw.

Kinilala ang biktimang si Lorilyn Obiego, 29, residente ng Manggahan, Brgy. 186, Malaria ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang isang lalaking kinilalang si alyas Rolly na kalapit kwarto ng biktima, upang magbigay ng linaw sa insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 5:45 a.m. nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng inuupahang kwarto ng suspek sa nasabing lugar.

Sa salaysay ng may-ari ng paupahan na si Rocky Lada, dala-wang oras bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay dumaan sa kanya si Rolly na may dalang bag at sinabing may pupuntahan lamang.

Inaalam pa rin ng pulisya kung ginahasa ng suspek ang biktima bago hinataw ng mar-tilyong natagpuang duguan sa tabi ng bangkay.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …