MA at PA
ni Rommel Placente
BUNTIS si Sunshine Cruz. Ito ang kumakalat na tsismis sa YouTube, buntis daw ngayon si Sunshine sa dati niyang mister na si Cesar Montano. Bale ito raw ang pang-apat na anak nila ng action star.
At dahil nagdadalantao, magpapakasal daw muli ang dalawa.
Kalat na ang nasabing videos sa YouTube at daan-daang libo na rin ang mga nakapanood nito.
Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ng aktres na may mga bumabati sa kanya dahil sa umabo’y pagbubuntis at nalalapit na pagpapakasal niya.
Kahit wala itong katotohanan, may mga naniniwala sa nasabing balita.
Post ni Sunshine sa kanyang FB account,“FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sakin.
“Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband.
“#fakenews”
O ayan, nilinaw na ni Sunshine na walang katotohanan na nabuntis siya ulit ni Cesar at magpapakasal sila uli.