Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SK officials walang holdover

KAPAG pumasa ang panukala ng Mababang Kapulungan ay walang aaktong Sangguniang Kabataan (SK) officials sa mahigit 42,000 barangay sa buong bansa.

Ito ang mangyayari kapag ang nanaig sa bicameral conference committee ng Kongreso ay ang bersyon ng Kamara na malinaw na walang holdover o pagtutuloy ng pag-akto ng kasalukuyang SK officials sa lahat ng konseho mula sa barangay patungo sa probinsya.

Kapag nagtagumpay ang bersyon ng Kamara ay tiyak na mawawalan ng tinig ang kabataan sa pamahalaan lalo’t ang gusto ng Mababang Kapulungan ay tatlong taon ibinbin ang SK polls.

Masyadong unfair ang naturang panukala dahil parang tinanggalan na ng pakikilahok ang mga kabataan sa pag-ugit ng ating lipunan lalo’t ang sektor na ito ang may pinakamalaking bahagdan na sa ating populasyon.

Tamang ireporma ang SK pero malinaw na hindi tamang mawalan sila ng representasyon sa pamahalaan kaya’t mas dapat manaig ang bersyon ng Senado sa bicameral conference committee na mayroong pagtutuloy ng mandato ng SK officials hangga’t magkaroon sila ng kapalit.

Ang masakit kasi sa SK ay nahatulang pangkalahatang ang naturang sektor dahil hindi naman lahat ng mga opisyal nito ay kurakot at walang ginagawa.

Kaya nga pabor ang nakararami sa pagrereporma at pag-aaral ng SK dahil panahon na para dagdagan ito ng mga sistema na titiyak na nagagastos ang pondo nito sa tama at napakikinabangan ng kabataan.

Hindi pa tapos ang bicameral conference committee kaya’t dapat mag-isip ang ating mga mambabatas na kakatawan sa Kamara at Senado dahil ang desisyon nila ang bubuhay at papatay sa pakikilahok at pagpapartisipa ng kabataan sa ating pamahalaan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …