What then? Shall we sin because we are not under law but under grace? By no means! –Romans 6: 15
GUSTO ko ibahagi sa ating masugid na mambabasa ang masalimuot na parte ng aking buhay na kagagawan ng mga taong nais wasakin ang ating pagkatao at isadlak sa isang krimen na hindi naman natin kailanman nagawa.
Nakulong tayo ng hindi na-arraign o nabasahan ng kaso sa korte. On record ito mga Kabarangay.
I was never arraigned for the alleged crime I never committed.
***
POLITIKA at pera ang dahilan kung bakit tayo isinasadlak sa isang kaso hindi natin nalalaman at walang motibong gawin.
Hindi natin akalain na mula nang pumasok tayo sa politika (Barangayan)noong 1994, ay magiging ganito ang ating kapalaran.
***
NAGSABWATAN ang ilang tiwaling politiko noon sa Maynila upang tayo ay idiiin at durugin. Kumuha ng mga testigong drug users at gumawa ng mga scenario upang mapagtakpan ang kanilang tunay na adhikain.
Sa mga susunod na labas ng ating kolum idedetalye natin ang iba pang isyu ukol sa kaso.
***
SA ngayon narito ang ilang parte ng istorya ng ating kaso:
“On April, 2, 2001, Francis Orda, the son of respondent Domingo Orda, Jr., (former fiscal in Manila) was shot to death in Parañaque City. He was then twenty years old and an engineering student.
***
NANG maganap ang krimen sa kanyang anak, hindi natin akalain sa atin ibubunton ang kanyang galit. Idagdag pa rito ang suporta ng ilang politiko sa Maynila na ating nakabangga.
Nakakuha sila (Orda) ng umano’y testigo sa krimen at itinuturo na tayo raw ang may kinalaman sa krimen. Subali’t sa kalaunan, binawi nila ang kanilang testimonyang ibinigay sa Department of Justice (DOJ).
“Gina, Ernesto and Dennis later recanted their testimonies. On June 11, 2002, the Department of Justice (DOJ) issued a Joint Resolution directing the City Prosecutor to cause the withdrawal of the Informations for murder against the accused, holding that the prosecution witnesses’ testimonies were not credible because of their recantation. On motion of the prosecution, the RTC, Branch 258, issued an Order dated July 5, 2005, allowing the withdrawal of the Informations against the accused and consequently recalling the warrant for their arrest.”
***
NAGHABOL si Orda sa Court of Appeals (CA-G.R.SP No. 72962) at pinaboran. Nag-apela ang inyong Lingkod sa pamamagitan ng motion for reconsideration.
Nang hindi tayo pinagbigyan, nagsampa tayo ng “Urgent Motion to Resolve Anew and on the Merits Previous Motion to Withdraw Criminal Informations Pursuant to the DOJ Finding on lack of Probable Cause” sa RTC.
***
NAKAKUHA tayo ng paborableng desisyon:
“On September 30, 2005, THE RTC (274) ISSUED AN ORDER, DISMISSING THE CASE FOR MURDER, ratiocinating that no probable cause existed to indict them for their crime. Consequently, it lifted the warrants for their arrests and ordered their immediate release from detention. THE PROSECUTION’S (Orda) MOTION FOR RECONSIDERATION WAS DENIED ON DECEMBER 28, 2005.”
***
FINAL and executory ang naging desisyon ng RTC sa ating kaso, subali’t sa tulong ng iba pang politiko na kasabwat ni Orda sa pagsasampa sa atin ng kaso, muli naghabol sila sa Court of Appeals (CA)
Pinaboran ng CA si Orda na muling ibalik at dinggin ang aking kaso sa RTC noong May 20, 2009.
***
HINDI nagpatalo ang inyong Lingkod, dahil batid natin wala tayong nalalaman sa naganap na krimen. Naghabol tayo sa Supreme Court at ikinatwiran natin na:
“The Joint Order of September 30, 2005 was issued by the Regional Trial Court in compliance with the decision of the Supreme Court that the trail court mus act in the issue of probable cause using its own discretion. Reversing the September 30, 2005 is LIKE REVERSEING THE SUPREME COURT.”
***
“The Court of Appeals denied the motion for reconsideration citing Sec.1, Rule 41 of the Rules of Court providing “that an order dismissing the action without prejudice is not appealable. “ The Court of Appeals ruled that the remedy from the finding of fact and final order dismissing the informations “is to file a special civil action under Rule 65.”
***
The final order of September 30, 2005 does not state that the dismissal is “without prejudice.” There is nothing in the order of September 30, 2005 from which we could derive that the dismissal of the action is “without prejudice.” While it may be true that the defense of double jeopardy may not be invoked by the petitioners simply because they WERE NOT YET ARRAIGNED, it does not follow that another information for murder could be filed against them on the same evidence that the court dismissed the information for lack of probable cause. A new information could still be filed against the petitioners but the same must not be based in the same evidence already repudiated in the September 30, 2005 order.”
***
SA simpleng argumento sa resolution ng CA, dalawang isyu ang niresolbahan ng SC upang matapos na ang usapin sa “fabricated case” laban sa akin.
1). whether a special civil action for certiorari under Rules 65 of the Rules of Court is the correct remedy in assailing the RTC decision allowing the withdrawal of the Informations and consequently dismissing the case for lack of probable cause; and;
2) whether the CA erred in finding that there was probable cause against petitioners.
Ang sagot ng Korte Suprema, abangan bukas!
(Para sa kabuuaN ng desisyon mag-log on sa website ng supreme court sawww.supremecourtmay62010gov.ph)
TAMA SI SEN. JINGGOY ESTRADA
DAMA natin ang hinagpis ni Senador Jinggoy Estrada na pilit na isinasangkot sa P10 Billion pork barrel scam ni Ms. Janet Lim-Napoles.
Aniya, nahuhusgahan na agad sila ng publiko na “guilty” sa krimen kahit hindi pa man din tapos ang isinasagawang imbestigasyon ng COA, Ombudsman at DOJ.
GAYA ng inyong Lingkod, nahusgahan agad din tayo sa estilong “trial by publicity.” Kahit may pinal nang desisyon ang Korte Suprema ukol sa kaso na wala tayong kinalaman sa krimen, hindi pa rin maalis ang stigma sa pagdungis sa iyong pagkatao. ‘Ika nga damage has been done.
Kaya naman naisip natin ilahad ang nilalaman ng desisyon ng SC ukol sa fabricated case na isinampa laban sa atin upang masuri ng publiko ang tunay na pangyayari.
Ito ang tunay na buhay!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos