BAKIT ikinokonsiderang bad feng shui ang kama sa ilalim ng bintana?
Sa gabi ang iyong katawan ay kailangan ng malakas na suporta, gayundin ng proteksyon, upang mapagana ang pagpapanumbalik ng lakas nito. Ito ang dahilan kung bakit inirerekomenda ang good solid head board sa feng shui. Gayundin, kapag natulog sa kama sa ilalim ng bintana, ang iyong personal energy ay hihina, dahil walang sapat na suporta, o proteksyon.
Ang ibig sabihin ng kama sa ilalim ng bintana ay ang iyong ulo ay nasa ilalim ng bintana (kapag ikaw ay nakahiga sa kama at natutulog).
Ang unang dapat gawin ay tingnan kung maaaring ilipat ang iyong kama. Mag-isip nang mabuti. Kung hindi maaaring ilipat ang kama, mayroong dalawang feng shui tips para sa iyo.
*Dapat ay mayroong strong and solid headboard. Ito ay non-negotiable good feng shui step, kung natutulog ka sa ilalim ng bintana.
*Kailangan ng good window coverings, kabilang ang heavy draperies/curtains, na iyong isasara sa gabi upang makabuo ng pakiramdam ng solid wall sa iyong tabi.
Gayunman, bagama’t ipinatupad mo na ang nasabing mga hakbang, ang feng shui sa iyong bedroom (at iyong personal energy) ay mananatiling mahina maliban na lamang kung mayroong good feng shui position ang iyong kama.
Ipatupad ang feng shui steps na ito upang maprotektahan ang iyong kalusugan at kagalingan.
Lady Choi