Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

TMRU ng Bulacan PPO muling binuhay

MULING ibinalik ng Bulacan PPO ang Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) sa ipinakitang puwersa sa kanilang pagparada sa loob ng Camp Gen. Alejo S. Santos, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes ng hapon, 17 Oktubre.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang pagbuhay sa TMRU ay inilunsad ng Bulacan PPO upang hadlangan ang mga krimeng gaya ng robbery hold-up at mga insidente ng pamamaril.

Dagdag ng opisyal, ito ay magpapabuti sa kakayahan ng mga police officers na tumugon nang mabilis sa mga krimen sa lansangan na gawa ng mga nakamotorsiklong salarin.

Naging panauhing pandangal sa programa si Bulacan Gov. Daniel Fernando.

Magtatalaga ang mga hepe ng pulisya ng bawat lungsod at munisipalidad gayondin ang Force Commanders ng 1st at 2nd Bulacan Provincial Mobile Force Companies (PMFC) ng motorcycle cops na magpapatrolya upang mapanatili ang presensiya ng mga pulis sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan na tutugis sa mga gumagawa ng labag sa batas.

Gagamitin itong mahigpit na panlaban sa krimen at upang mabilis na mahuli ang mga riding-in-tandem criminals.

Ani P/Col. Arnedo, ang Bulacan PPO, sa suportang ipinagkakalooob ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para sa pinaigting na kampanya laban sa lahat ng kriminal, ay patatatagin ang TMRU upang matiyak ang kaligtasan at proteksiyon ng bawat Bulakenyo. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …