Wednesday , May 7 2025
Imee Marcos Comelec

Dokumento kulang-kulang
COMELEC 2023 BUDGET HEARING IPINAGPALIBAN NI MARCOS 

IPINAGPALIBAN ni Senadora Imee Marcos ang pagdinig sa panukalang 2023 budget ng Commission on Elections (Comelec) na nagresulta sa pagkabinbin ng pondo dahil sa kabiguan ng komisyon na makapagsumite ng mga kaukulang dokumento ng Comelec batay sa nais nilang malaman.

Ayon kay Marcos, Chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms kung ano-anong dokumento ang isinumite ng Comelec na walang kinalaman sa mga katanungan ng mga senador.

“It’s not a happy Monday dahil napilitan akong i-suspend ‘yung budget hearing ng Comelec… Pinagpipilitan pa rin nila na kinakailangan daw nila ng additional P10 billion on top of the P8.4 billion na nasa kanila na. Saan ka naman nakarinig ng eleksiyon na magkaka-total ng halos P19 billion, higit pa sa presidential elections? Parang hindi naman angkop. Tama ba to?” ani Marcos sa panayam ng media.

Kabilang sa nais malaman ng mga senador ang kanilang accounting sa hinihingi pang dagdag na P10 bilyon para sa Barangay at SK elections para sa susunod na taon.

Bagay na ipinagtaka ni Marcos, dobleng budget ang nais ng Comelec at mas magastos pa yata sa isang Presidential election.

Sa naipagpalibang Barangay at SK election ay mayroong P8.4 bilyong nakalaaang pondo ang komisyon at kung hihingi ng P10 bilyon ay aabot na ito sa P18.4.

Sinabi ni Marcos, nais malaman ng senado ang turn out ng halalan sa overseas Filipino workers (OFWs).

Hindi kasi sinakyan ni Marcos ang katwiran ng komisyon na matagumpay ang online voting na isinagawa gayong wala namang datos na naisumite.

Bukod dito, sinabi ni Marcos, nais malaman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kung tanging Smartmatic lang ba ang mayroong kakayahang humawak ng ating halalan at kung ito ba ay forever na sa kanila.

Ani Marcos, humihingi rin ng sagot at datos si Marcos ukol sa trust funds ng komisyon na hanggang ngayon ay wala man lamang accounting.

Nairita si Marcos sa pagtuturo ng komisyon sa Philippine National Police (PNP) at local government ukol sa pagresolba sa usapin ng vote buying.

Iginiit ni Marcos wala man lamang siyang narinig o nakitang hakbangin mula sa komisyon kung paano ito resolbahin gayong ang halalan ay nasa kanilang mga kamay nakasalalay.

Naghahanap si Marcos ng datos ukol sa bayaran sa mga nagsilbi sa nakalipas na halalan lalo na’t mayroon pang reklamo, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakokolekta ang bayad sa kanila.

Ibinunyag ni Marcos, nakipagkasundo siya sa komisyon nang magkita over the weekend para sa pagsusumite ng dokumento ngunit walang naganap na pagsusumite.

Paalala ni Marcos sa komisyon, kung tutuusin ay naka-break ang senado ngunit naglalaan siya ng oras para talakayin ang budget upang sa pagbabalik ng sesyon ng kongreso sa Nobyembre ay masumite na sa plenaryo.

Nanindigan si Marcos na hindi niya ipepresenta sa plenaryo ang budget ng komisyon hangga’t hindi nakikipagtulungan ang komisyon sa kanila sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga datos at dokumento at paliwanag sa mga tanong ng mga senador.

Tiniyak ni Marcos, kanyang ipagbibigay-alam kay Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance ang pangyayari at inaasahan niyang baka sa Nobyembre na uli matalakay ang budget ng komisyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

No Firearms No Gun

Para sa mapayapang eleksiyon  
GUN BAN PINAIGTING 360 BARIL KOMPISKADO 356 SUSPEK ARESTADO SA CENTRAL LUZON

ni Micka Bautista BILANG bahagi ng mas pinaigting na pagpapatupad ng gun ban ng Commission …

Arrest Posas Handcuff

Pusakal na karnaper arestado, nakaw na motorsaklo narekober

MATAGUMPAY na naaresto ng pulisya ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa malawakang pagnanakaw ng …

Rubber Gates Bustos Dam Bulacan

Panawagan sa pamahalaang nasyonal at NIA  
RUBBER GATES NG BUSTOS DAM PALITAN NG ESTANDARISADONG MATERYALES – BULACAN PROVINCIAL GOVERNMENT

PRAYORIDAD ang kaligtasan ng mga Bulakenyo kaya nang masira ang isa sa mga gate ng …