Monday , December 23 2024
electricity meralco

Supply ng koryente ipinatitiyak sa Meralco

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Manila Electric Company (Meralco) na tiyakin ang tuluy-tuloy na supply ng koryente para sa mga customer nito kasunod ng desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na tanggihan ang petisyon para sa pagtataas ng singil na inihain ng Meralco at ng power-generation arm ng San Miguel Corporation (SMC).

“Bilang contracting party ng power supply agreement, dapat tiyakin ng Meralco sa mga customer na tuloy-tuloy ang suplay ng koryente alinsunod sa kanilang kontrata sa SMC,” ayon kay Gatchalian.

“Pinupuri ko ang ERC sa pagpapatupad nito ng batas. Ito ay isang magandang balita upang matiyak na ang ibang manlalaro sa industriya ay sumusunod sa kanilang mga kontrata,” dagdag ng senador.

Ang desisyon ng ERC ay nagmula sa desisyon noong 2019 ng electricity arm ng SMC na San Miguel Global Power Holdings Corporation (SMCGP) at mga subsidiary nito na pumasok sa dalawang kasunduan para magsuplay ng enerhiya sa mga customer ng Meralco — sa Sual coal-fired power plant sa Pangasinan at Ilijan natural gas plant sa Batangas.

Noong pirmahan ang mga kasunduan, ang presyo ng coal ay nasa $65/metric ton (MT) mula noon ay tumaas sa mahigit $400/MT. Ang pagnipis ng supply ng koryente mula sa Malampaya natural gas field ay nagresulta sa pagkatuyo ng planta ng Ilijan.

Dahil dito, napilitan ang San Miguel na bumili ng enerhiya sa ibang bansa sa mas mataas na halaga, na nagresulta sa pagkalugi nito.

Ito ang naghikayat na maghain ng petisyon sa ERC para magtaas ng singil ngunit tinanggihan ng ERC.

“Kinikilala natin na mahirap ang trabaho ng ERC para balansehin ang interes ng consumers at industry players. Dahil patuloy na nakakaranas ng paghihirap ang mga consumer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng inflation at pagbaba ng halaga ng piso, pinupuri namin ang ERC sa desisyon nito dahil makapagbibigay ito ng ginhawa para sa consumers,” aniya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …