Friday , November 22 2024

Koreanong mafiosi timbog sa MPD

091413 korean mafiosi

KOREAN MAFIOSI SWAK SA REHAS. Bitbit ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Bureau of Immigration ang No. 2 most wanted criminal sa Korea na si Lee Byeong Koo alyas Bruce Lee na matagal nang pinaghahanap ng awtoridad dahil sa patong-patong na kasong kriminal na kinasasangkutan ng puganteng dayuhan. (BONG SON)

NADAKIP   ng  mga operatiba ng Manila Police Distrcit ang number 2 most wanted criminal sa Korea sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon

Kinilala ni MPD Director, Chief Supt. Isagani F.  Genabe, Jr., ang suspek na si Lee Byeung Koo, 53, alyas Bruce Lee, pansamantalang nanunuluyan sa 21st Floor ng Marina Condominium sa Mabini St., Malate, Maynila.

Sa panayam  kay P/Senior Inspector Daniel S. Buyao,  Jr.,  pinuno ng MPD District Police Intelligence Operations Unit o DPIOU, alas-4:30 ng hapon nadakip ang suspek sa isang Korean Resturant kanto ng Jorge Bocobo at Pedro Gil Sts., sa  Ermita.

Una rito, itinimbre ng Interpol ng Korea  sa Manila police, sa loob naman ng isang buwan ay isinailallim sa surveillance si Lee Byeung Koo.

Anomang araw, si Lee Byeung Koo ay pababalikin  na sa Korea upang litisin sa iba’t ibang kasong kriminal ng Jeonju District Court ng Korea.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *