Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jueteng ni Manuela sa South Metro protektado ng PNP?!

00 Bulabugin
MATINDI raw ang largahan ng 1602 ngayon sa SOUTH METRO.

Ipinangangalandakan kasi ng isang alyas MANUELA ALLAN na protektado sila ni Philippine National Police (PNP) chief, Dir. Gen. Alan Purisima.

Sa katunayan nga raw ay isang BOBOT LESPU ang may dala sa mga bangkang sina LEO at ALVAREZ na ‘imported’ pa from Batangas.

Habang ang ‘bangka’ naman ni alyas Mayor BISEO ay tatlong araw nang humahataw sa area ng Southern Police District (SPD).

Nagrereklamo na rin daw si Alvarez dahil mukhang kumuha lang sa kanya ng ‘GOODWILL’ na P3 milyones si alyas MANUELA pero ang pinalarga ay ang ‘bangka’ ni BISEO.

Tsk tsk tsk …

Hindi na tayo nagtataka kung bakit kahit saan ka magpunta sa South Metro ay kalat na kalat ang 1602.

Malakasan ang hatagan, may bukulan na, may onsehan pa …

PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima Sir, kaladkad na kaladkad ni MANUELA TENGWE ALLAN ang pangalan mo …

Okey lang ba sa iyo ‘yun?!

MAG-INGAT SA TAXI NA MAY PLAKANG UWA 501 (ATTN: LTO, LTFRB, MMDA)

SA LAHAT po ng taxi rider lalo na ‘yung mga babae, mag-ingat po kayo sa taxi na may plakang UWA 501.

Nitog nakaraang Martes (Setyembre 10, 2013 bandang 9pm) isang estudyanteng babae po ang sumakay mula sa Robinson’s Manila patungong Cubao.

Pumatak po ang metro, kulang P200. Aba sinisingil ‘yung estudyante ng P500.

Nang ayaw magbigay ng P500 no’ng estudyante, ini-lock ng tarantadong  taxi driver ang mga pinto.

Nagmakaawa ‘yung bata para pakawalan ng tarantadong driver.

Paging LTFRB & LTO, paki-monitor lang po ang taxi na may plakang UWA 501, baka marami pang mabiktima ‘yan!

Malinaw na paglabag ‘yan sa Violence Against Women and Children Act.

Tanggalan ng lisensiya ang hinayupak na driver, kasuhan at ikulong!

SEC. RICKY CARANDANG UMAASTANG ABOGAGO ‘este ABOGADO NI PNOY

ANG LUPIT mo talaga Secretary Ricky Carandang.

Ngayon ka pa nag-aastang ‘ABOGADO’ ni Pangulong Noynoy  kung kailan naglabasan na ang mga retratong magkasama sila ni Janet Lim Napoles at anak na si Jeane.

Ginawa n’yo pang parang loro si PNoy nang sabihin  na hindi niya kilala si Napoles at wala umano siyang natatandaan na nagkita sila sa isang okasyon.

‘E NABOKYA … naglabasan pa ‘yung ibang photo ni PNoy at Napoles …at para hindi na sila mapahiya, ay mismong palasyo na ang nagpalabas ng retrato.

Tsk tsk tsk … nakahihiya talaga kayong mga taga-Palasyo.

Ang laki ng mga sweldo ninyo d’yan, pero hindi ninyo magawang proteksiyonan ang imahe ng Pangulo?!

Aba magpakita naman kayo ng galing!

Nagiging aboga-abogadohan lang kayo kapag nabobokya ang Pangulo ‘e.

MAGTRABAHO kayo nang maayos oy!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …