Thursday , December 26 2024
Dragon Lady Amor Virata

Paalam, Percy Lapid

NASAKSIHAN ng inyong lingkod ang gabi-gabing supporters, kaibigan ng pinaslang na si broadcast journalist and hard-hitting columnist Percy Lapid, at sa huling gabi ng lamay, naroon ang mga pribadong sektor na sumusuporta sa pinatay na komentarista.

Hanggang ngayon, nakalalaya pa ang pumaslang kay Lapid.

Isang milyon at kalahati ang reward money sa makapagtuturo sa salarin.

Naging topic sa hanay ng media industry ang kaso ni Lapid, marami ang nagsabing posibleng ‘unresolved’ ito dahil blanko ang pulisya sa tunay na salarin o man behind.

Sa rami ng mga binatikos ni Lapid sa kanyang programa sa DWBL at sa kanyang kolum sa diyaryo, nakatuon ang pansin ng nakararami sa mga taong huli niyang binatikos. Ito ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Lorraine Badoy, usap-usapan na posible raw na may kinalaman sa pagpaslang kay Lapid.

Ngunit ito ay haka-haka lamang na sinasawsawan naman ng mga kalaban sa politika ni PRRD.

Kamakailan, lumabas ang larawan na kuha sa CCTV ng umano ay suspek, pero blanko pa rin ang pulisya.

Dahil sa pangyayari kay Lapid, may anunsiyo na ang Parañaque City Police na sinomang miyembro ng media, anoman ang media entity na may death threat na natatanggap ay agad na pumunta sa kanilang tanggapan.

Kung minsan, nakatatakot din dahil pulis pala ang papatay sa iyo.

Si Percy Lapid ay nakasama kong director sa National Press Club of the Philippines.

Sinuwerte ang inyong lingkod na maging topnotcher director, at nang ako ay ihalal na treasurer, ay muling nahalal na director si Lapid sa ilalim ng Partidong Press Freedom Party.

Nakatatakot ang maging katulad ni Lapid na walang takot na nagbubulgar ng katiwalian, dahil maagang ‘tinapos’ ang kanyang buhay para ‘patahimikin.’

Ang tapang para sa press freedom ay hindi sapat na batayan ngayon upang makilala kang matapang, dahil bala ng baril ang ibibigay na premyo mo.

Isang aral ito sa hanay ng media industry, huwag magtiwala sa paligid at maging maingat sa mga binibitawang salita sa mga komentaryo, dahil nananaig ang kasamaan.

Paalam Ka Percy.

Inihatid sa kanyang huling hantungan, ngunit ang kaso ay patuloy na pinag-uusapan, pero walang katiyakan kung malulutas ba o hindi.

Sa aking pananaw gaya rin ito ng ibang pinatay na media… nganga!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …