Wednesday , December 4 2024

Mitchell puro opensa lang

KULANG talaga sa depensa ang import na si Tony Mitchell ng Talk N Text.

Kumbaga’y one-dimensional player lang siya. Puro opensa.

Kapag nag-init siya nang husto ay mahirap siyang mapigilan.

Pero kapag minalas siya o nabantayan nang husto, hindi naman siya makabawi sa kabilang dako ng hardcourt o sa pamamagitan ng depensa.

Kasi nga’y palaging sinasabi ng mga coaches na madaling dumating ang opensa sa isang mahusay na manlalaro. Nandiyan na iyan palagi.

Ang mahirap ay ang ipakita na kaya din niyang dumepensa kapag minamalas na siya. Doon kasi siya dapat bumawi.

Ito ang nangyari kay Mitchell noong Miyerkoles nang magkalat siya sa first half.

Sa kabuuan, si Mithcell ay nalimita sa pitong puntos lamang at tila napundi si Talk N Text coach Norman Black sa kawalan niya ng depensa kung kaya’t ibinangko na lang siya sa second half.

Inilabas siya ni Black matapos lang ang unang dalawang minuto ng third quarter at hind na ibinalik pa pagkatapos nun.

Ewan natin kung magkakaroon ng hidwaan sa pagitan nina Black at Mitchell.

Ewan natin kung mareresolba kaagad ang differences nilang dalawa.

Ewan natin kung tatanggapin ni Mitchell nang maluwag ang nangyari sa kanya.

Kasi kung mamasamain ni Mitchel iyon, aba’y maaapektuhan ang performance niya at ng Talk N Text kontra Air 21 mamayang gabi.

Sigurado namang may back-up import ang Talk N Text pero hindi naman makakarating kaagad iyon.

So, anu’t anuman, dapat ay maayos na muna ang sitwasyon ni Mitchell para bukas.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Batang Pinoy

Sa overall lead
Pasig City nanguna sa Batang Pinoy National Championships

CITY OF PUERTO PRINCESA – Humakot ng 35 gintong medalya ang Pasig City at naguna …

Chito Danilo Garma Chess 32nd FIDE World Senior Chess Championship

IM Garma, patuloy sa paglaban, nanatiling umaasa

Porto Santo Island, Portugal — Si Pinoy International Master (IM) Chito Danilo Garma ay nakapagtala …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *