Isang makabuluhang araw ang pagtutuunan ngayon ng pansin ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa ilulunsad na tatlong araw na Kabisig government agency Expo na gaganapin sa Setiyembre 16 hanggang 18 sa S.M.Fairview.
Opo mga kaibigan, makikiisa po ang Philracom sa gaganaping expo upang ipakilala sa publiko kung ano ang horse racing sa bansa.
Sasama sa parada ang hinete at kinatawan ng Philracom na gaganapin dakong alas-10 ng umaga hanggang ala-7:00 ng gabi ang Philracom at magkakaroon ng sariling booth para sa naturang event.
Naroon din ang mga unipormadong hinete upang ipakilala ang kanilang propesyon bilang mananakay ng kabayo.
Imumulat sa mamamayan na ang industriya ng karera ay hindi sugal, nais ipakita at ipaalam sa mamamayan na dadalo sa expo na lumilikha ito ng P1.34 bilyon na kita sa buwis at 5,000 na direktang trabaho.
Nais din ipakita ng Philracom ang kanilang mga programa gaya ng scholarship program, medical assistant at blood letting activity.
Napapanahon na para sumama sa ganitong okasyon ang Philracom upang ipakilala ang horse racing na isang libangang pampamilya na pinatatakbo ng tatlong naggagandahang racing club sa Batangas at Cavite.
Inaasahan din na dadalo sa naturang okasyon ang mga opisyal ng komisyon upang pangunahan ang promotion sa karera.
Ni andy yabot